Pinag-uusapan ang statement kung saan sinabi ng beauty guru na si Ricky Reyes na ang “bakla gilingin mo man, ang lalabas diyan baklang hamburger.”
Siyempre may bashers pa rin, pero mukhang mas marami ang pabor sa kanyang sinabi. Kung uunawaing mabuti, hindi naman niya minaliit ang mga bakla, in fact aminado siyang bakla rin siya. Ang sinasabi lang niya, kailangang lumugar naman ang mga bakla sa dapat nilang kalagyan. Iyon ding kasal, dahil iyan nga ay isang sagrado, pabayaan ang desisyon sa simbahan sa mga bagay na iyan. Hindi dapat ipagpilitan na ikasal ang dalawang lalaki o dalawang babae.
Intindihin din natin, ano ba ang kahulugan ng “hamburger na bakla”? Ang gusto lamang sabihin ni Ricky Reyes, ang bakla ay bakla at hindi na mababago iyon. Hindi sila maaaring ihanay sa mga babae, dahil bakla nga sila. Kung ayaw naman nilang humanay sa mga lalaki, bahala sila. Pero maliwanag nga naman na dalawa lang ang sex, babae at lalaki. Bakit kailangang lagyan ng magulang ng X ang birth certificate ng kanilang anak para mapili noon pagdating ng araw kung bakla siya? Maski sa proposal na iyon, hindi na nila masasabing natural ang pagiging bakla. Iyon ay “by choice”.
Sa kapanganakan naman makikita mo ang kasarian ng bata, ano ba ang nasa kanya?
Ang sinasabi lang naman ni Ricky Reyes, siya nga raw 40 taon na ang relasyon, hindi siya nag-isip na magpakasal. Iyong ibang nagpapakasal, bahala sila. Magpunta sila sa abroad at pakasal sila roon, pumunta sila sa Project 8 sa simbahan ng mga bakla at pakasal sila roon, wala namang pipigil sa kanila, pero huwag nilang ipagpilitan na ikasal sila ng mga lehitimong institusyon.
Hindi dapat takutin ang mga taong ayaw kumilala sa kanila ng multa o pagkakakulong.
Ano iyon aalisan nila ng karapatan ang mga taong ayaw umayon sa kanila? Ano sila “untouchables”?
Fans ni James faithful!
Hindi naman pumapalag ang fans ni James Reid nang may magsabing may iba na raw ibi-build up ang mga dati niyang managers matapos na siya ay umalis. Natural lang naman iyon dahil hindi naman dapat tumigil ang negosyo nila dahil lang nawala si James.
Ang mariin lang namang sinasabi ng fans ni James, wala silang pakialam kung sino man ang i-build up ng kahit na sino, basta sila ay mananatiling fans ni James, na tama rin naman. Hindi naman sumisikat ang artista dahil sa nagpapasikat. Sumisikat ang isang artista kung matapos silang iharap sa publiko ay makuha nila ang suporta at paghanga ng mga iyon.
Maaaring manibago lang sila sa takbo ng career ni James, pero hindi mawawala ang fans niyan.
Puwet ng aktor nagkalat pa rin sa social media
“Pakita mo nga ang puwet mo,” kung sakali mang pumayag ka sa ganyan, huwag kang sisigaw pagdating ng araw na exploited ka. Kasi kung ayaw mo, hindi ka mapipilit na gawin iyon. Ginawa mo iyon dahil sa ambisyon mong sumikat din, at siguro bale wala sa iyong gawing “open to the public” pati ang puwet mo. May isang male star noong araw na ganyan. Tumanggi siyang ilabas pa ulit ang puwet niya, nawalan siya ng career, pero happy naman siya dahil nanatili ang respeto ng mga tao sa kanya.
Isipin ninyo, hanggang ngayon naglalabasan pa sa internet ang mga mahahalay na eksenang ginawa kahit na sa mga lumang pelikula noong araw. \Isipin ninyo ang mga hindi nila maitagong sex videos na nagkalat din ngayon sa social media.