Tagalog movie winalis ng Aladdin!
Feeling proud naman kami nang manood ng Aladdin, kasi bago nagsimula ang pelikula, ipinakita ang isang trailer kung saan kinakanta nina Darren Espanto at Morisette Amon ang A Whole New World. Una iyang kinanta ni Lea Salonga, at siyang ginamit sa soundtrack mismo ng animated film na Aladdin. Ngayon namili sila ng artists na kakanta noon sa bawat bansa. Nakakatuwa dahil maganda ang pagkakakanta nina Darren at Morisette. Talagang kayang ipanlaban ang talent ng Pinoy.
Habang pinanonood namin ang pelikula, tuwang-tuwa kami. Familiar kasi kami sa mga kuwentong iyan na bahagi ng 1001 Arabian Nights, isang koleksiyon ng mga kuwentong pambata mula sa Middle East. Pero napansin namin, may kaunting pagbabago sa kuwento. Pero talaga namang kung minsan ay ginagawa iyon sa pagsasalin ng kuwento sa isang pelikula.
Nakaka-inggit iyong kanilang sets, iyong background, na alam mo namang hindi on location kundi ginawa lamang nila sa pamamagitan ng computer. Maiinggit ka sa magandang opticals na ginamit sa pelikula. Hahanga ka at maiinggit sa maganda nilang musika.
Maiisip mo, magagawa iyan ng artistang Pilipino. Puwedeng Princess Jasmine si Liza Soberano. Puwedeng Aladdin si Daniel Padilla. Maiisip mo, ang isang Tagalog version ng Aladdin ay kikita nang malaki, lalo na’t nakikita mo na ang pelikulang ingles kayang punuin ang sinehan. Dito sa isang mall malapit sa amin, sa anim na sinehan, apat ang naglalabas ng Aladdin. Iyong isang pelikulang Tagalog na dati ay binigyan nila ng dalawang screening lang isang araw, ganap nang naglaho.
Pero kung ano ang kasiyahan namin sa panonood ng Aladdin, nalungkot naman kami nang lumabas na kami ng sinehan. Wala na nga kasi iyong pelikulang Tagalog. Tinanong namin ang sarili namin, bakit nga ba hindi namin pinanood iyong pelikulang Tagalog? Eh alam kasi naming hindi kami mag-e-enjoy.
Una, hindi kami talaga mahilig sa horror. Ikalawa, aba eh nagbabayad kami sa sine at gusto naming enjoy kami sa panonoorin namin. Hindi kami kagaya ng iba na libre lang sa sinehan, kaya malakas ang loob na magsabing panoorin ang pelikula, kasi hindi naman sila nagbabayad.
Aiko hiwalay na!
Nag-deny pa si Aiko Melendez na split na sila ng kanyang boyfriend na pulitiko. Sinabi pa niyang hindi naman sila hiwalay, maliwanag naman na pagkatapos ng kampanya uuwi siya sa bahay niya sa Quezon City, hindi raw totoong pinalayas na siya ng kanyang boyfriend.
Pero ang hindi namin maintindihan ay kung ano ang ibig niyang sabihin na minahal niya ang Zambales, at sana kung magkakaroon na ng bagong syota ang kanyang boyfriend, mahalin din ng makakapalit niya ang Zambales kagaya ng pagmamahal niya.
Jimmy Bondoc may strategy
Nakahanda raw si Jimmy Bondoc na magbigay ng abogado sa mga lalantad na biktima ng sexual harassment. Bago na naman may pumutak, intindihin muna ninyo, wala siyang binabanggit kung biktima ng mga bading at tungril ng kung anong network.
Mamaya pumutak na naman ang ka-affair ng mga tungril. Ang mahirap kasi, kahit na wala ka namang sinasabi, marami ang nagre-react, natutukoy ngayon kung sino sila. Eh mukhang iyon ang gustong mangyari ni Jimmy Bondoc eh, iyong malantad sila na sila mismo ang may kagagawan.
Napakahina ng damage control. Wala rin kaming sinasabi kung sino ang mahina ha.
- Latest