^

Pang Movies

BF ni KC hindi na nagpaparamdam!

Nitz Miralles - Pang-masa
BF ni KC hindi na nagpaparamdam!
Pierre Emmanuel Plassart at KC Concepcion

MANILA, Philippines — Nagtatanong ang followers ni KC Concepcion kung sila pa ba ni Pierre Emmanuel Plassart dahil pansin nila, matagal nang hindi nagpaparamdam ang BF ni KC sa social media ng aktres. Matagal ng hindi nagla-like at lalong hindi nagko-comment si PEP sa mga post nito.

Tapos, nag-birthday si KC, hindi man lang nila nabasa ang name ni PEP na bumati sa dalaga. Kaya nagtatanong ang supporters ni KC kung sila pa rin, naiintriga lang sila sa pananahimik ni PEP.

May nagsabi rin na baka binati ni PEP si KC na hindi na lang idinaan sa socmed at silang dalawa lang ang nakakaalam. Mas maganda nga lang daw kung malalaman nila para matahimik ang kanilang kalooban.

Sa kanyang Instagram (IG), nagpasalamat si KC sa mga bumati sa kanya sa nakaraan niyang birthday.

“To a life full of joy & adventure. Thank you beautiful people for the love, to all those who remembered me especially at midnight Philippine time! Your greetings mean the world and I’m sending my happy vibes out to you wherever in the world you are!”

Anak ni Jolo nakakatulong na sa kampanya

Birthday ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla sa April 13 at may advance birthday celebration siya kahapon, isinabay sa flag ceremony ng Bacoor City.

Hindi makakapag-celebrate ng birthday niya sa April 13 si Mayor Lani, kaya sa Boracay, kung saan sila magho-Holy Week na magpapamilya magba-bonding.

Masaya si Lani na buo na uli ang pamilya nila kahit minsan, hindi sila nagkikita-kita. Busy si Bong Revilla sa kampanya bilang reelectionist sa senado. Tumatakbo rin si Jolo bilang reelectionist Vice-Governor ng Cavite at si Lani, reelectionist bilang mayor ng Bacoor City, her second term.

Ibinalita ni Lani na may katulong na silang mangampanya. Ang tinukoy niya ay si Gab, ang 14-year-old son ni Jolo na umaakyat na ng stage para ikampanya ang ama.

Kinumusta namin kay Lani ang GF ni Jolo na si Angelica Alita, okay naman daw ang dalawa, hindi lang namin naitanong kung may balak nang magpakasal ang mga ito.

Alden nagpa-tattoo

Na-curious ang fans ni Alden Richards sa role niya sa movie nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema dahil may tattoo siya sa left arm at may hikaw sa right ear.

Ang nabanggit lang ni Alden sa role niya, kinailangan niyang mag-aral ng Cantonese Chinese at nang makausap namin, nakaka-three days na siya ng Cantonese lesson.

Dahil sa shooting sa  Hong Kong, hindi matutuloy sina Alden sa Pearl Farm sa Holy Week na balak sana nila.                                     

vuukle comment

KC CONCEPCION

PIERRE EMMANUEL PLASSART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with