Direk Mike ‘lason’ na ang tingin sa showbiz
Ang kasabihan na “religion is the opium of the people” ay sinulat ni Karl Marx noon pang 1843, at naging panuntunan ng mga komunista para itakwil ang relihiyon. Pero ngayon, sinasabi ng director na si Mike de Leon na ang “showbiz” na raw at hindi na ang relihiyon ang dapat tawaging “opium of the people”.
Iyong opium ay isang substance na kung ginagamit ng isang tao ay nawawala siya sa kaisipan. Nawawala sa huwisyo. Nalalason. Tama bang sabihin na ang showbiz ay lumalason sa isip ng mga mamamayang Pilipino?
Ang pelikula, telebisyon, o iba pang uri ng entertainment ay sinasabing nakaka-aliw at nakakalimutan ng mga taong nanonood kahit na pansamantala ang kanilang mga suliranin sa buhay. Ganoon din naman ang epekto ng musika, na nakakaaliw. Pero kailanman, hindi pinaniwalaang nakalalason sa isipan. Mukhang masyado naman yatang matinding tawagin ang showbiz na “opium of the people”.
Nagsimula lang naman iyan dahil sa sinasabi niyang napakagarbong party ng ABS-CBN. Iyon naman ay isang pribadong event na dinaluhan lamang ng mga artista, executives at mga kaibigan ng kanilang network. Totoo na minsan ay nakakapanaghili ang ganyang mga event, habang naghihirap ang milyun-milyong Pilipino na halos wala na ngang pambili ng bigas. Pero ano nga ba ang magagawa natin kung ang mga may kakayahan ay gustong maglustay kung ano man mayroon sila? Dapat ba natin silang kainggitan dahil sa kung ano ang mayroon sila?
May kasabihan ang mga Pilipino, “buntot mo, hila mo”. In short, wala kang pakialam kung ano ang gawin ng iba, basta hindi naman sila sagabal sa buhay mo. Halimbawa, naglustay man sila ng salapi sa kanilang party at ayaw mo noon, the best is huwag mong pansinin. Kami, hindi rin namin gusto ang sobrang pagpapakita ng ganoong luho, kaya nga hindi namin pinapansin eh. Pero hindi rin naman namin sila pinakikialaman.
Maine at Juancho huli na namang magkasama
Ngayon, mukhang si Juancho Trivino naman ang binabakbakan nang husto ng AlDub fans, dahil lamang sa nakita siya sa isang concert na kasama si Maine Mendoza. Hindi lang kasi ngayon, tila pangalawang beses na nilang nakita sina Juancho at Maine sa magkaibang concerts.
Bago iyan, binakbakan din nila nang husto ang komedyanteng si Sef Cadayona, nang may maglabas ng video na nakikipag-videoke kasama si Maine sa bahay nila.
Lahat nang ma-link kay Maine, binabakbakan nila. Ano ba talaga ang gusto nilang mangyari, iburo na lang si Maine?
Kung iisipin ninyo personal niyang lakad iyon, at walang pakialam kahit na sino kung sino at gusto niyang kasama. Kung may karapatang pumigil kay Maine, siguro ang mga magulang lang niya. Pero ang ibang tao, tanggapin na ninyo na wala kayong pakialam.
Male star mas gustong maka-love scene ang kuya ng naka-eksenang sexy star
Hindi naman daw nagselos ang isang male star doon sa love team ng ‘kaibigan’ niyang male star din sa isang sexy female star. Ang biruan nga, siguro kung ang naka-love scene ng ‘kaibigan’ niya ay ang kuya ng female star, baka nagselos siya nang husto.
Ganoon?
- Latest