^

Pang Movies

Keanna dinemanda ng inalipustang transgender!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Keanna dinemanda ng inalipustang transgender!
Keanna

Lawyer pala ang foreign husband ng transgender woman na inaalipusta ni Keanna Reeves sa social media.

 

Ang lawyer ang nag-udyok sa kanyang asawa na sampahan ng kaso si Keanna dahil sa masasamang salita na sinabi nito.

Palaban si Keanna dahil imbes na mag-apologize, kinuwestyon pa niya ang same-sex marriage ng mag-asawa na hindi raw legal sa Pilipinas.

Nick Carnel ang name ng mister ng transgender woman at dahil lawyer siya, alam niya ang batas.

“I think it’s clearly inappropriate, more to the point, she has made threats against Nancy and our children. It’s completely wrong, I’m personally distressed and very disappointed,” ang sabi ni Carnel sa interbyu sa kanya ng GMA News.

Pamasahe lang ang pinag-ugatan ng galit ni Keanna kay Nancy Dimaranan, ang may-ari ng food park na pinagtanghalan niya at kumuha sa serbisyo niya.

Maliit na halaga ng pera ang puno’t dulo ng isyu at kapag nag-umpisa na ang preliminary investigation sa cyberlibel case, mas malaking abala ito kay Keanna dahil nakasampa ang kaso sa Laguna.

Bong isang buwan pa ang hihintayin bago hatulan

Natapos noong Huwebes ang pagdinig ng Sandiganbayan First Division sa plunder case na isinampa laban kay Bong Revilla, Jr.

Isang buwan ang hihintayin para malaman ang desisyon ng Sandiganbayan at talagang ipinagdarasal ko na maging pabor kay Bong ang verdict dahil mismong ang whistle-blower na si Benhur Luy ang nagsabi sa korte na hindi niya nakita na pinirmahan ng dating senador ang endorsement letters para sa mga NGO ng businesswoman na si Janet Napoles.

Naunang nag-testify sa Sandiganbayan ang prosecution witness na si Marina Sula na nagtapat na tinuruan siya ng kanyang mga abo­gado ng mga sasabihin niya.

Kung matatandaan ninyo, parehong napaluha si Bong at ang kanyang misis na si Lani Mercado nang marinig nila ang testimonya ni Marina sa Sandiganba­yan noong June 2018.

“Si Benhur, siya ‘yung mahusay pumirma ng lawmakers at siya ‘yung nakikita kong pumipirma para sa lawmakers. Wala pong alam si Senator Revilla sa paggawa po ng endorsement letters.

“Ngayon lang po lumuwag ang loob ko. Noon kasi pigil na pigil lahat. Pero nung nabasa ko ‘yung [transcript of stenographic notes], mayroon po siyang (Benhur) mga maling sinabi,”ang pahayag ni Marina na nagpaluha sa Revilla couple.

Sa September 25 ang 52nd birthday ni Bong at sana, maging masaya na ang kanyang nalalapit na kaarawan. Ako na ang pinakamaligaya na tao kapag nakalaya na siya bago sumapit ang 52nd birthday niya.

Walang palya si Lani Mercado sa pagdalo sa mga hearing ng plunder case ni Bong sa Sandiganbayan First Division.

Umulan man o umaraw at kahit not feeling well siya, always present si Lani sa Sandiganbayan para sa kanyang moral at emotional support sa asawa niya.

Kahit patung-patong ang mga responsibilidad niya bilang nanay ng kanyang mga anak at alkalde ng Bacoor City, palaging may panahon si Lani para kay Bong.

Dumating na nga siya sa punto na dinadala niya sa Sandiganbayan ang mga papeles na dapat pag-aralan at pirmahan para hindi masa­yang ang oras.

vuukle comment

KEANNA REEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with