Nakapanghihinayang na underrated si Marion Aunor na noon pa man ay magaling nang singer-songwriter at pianist. Walang kupas din ito sa pagbibigay ng magagandang pop love song.
Pero sa pagkakataong ito, oras na para mag-shine si Marion dahil siya ang gumawa ng isa sa official soundtrack ng pelikula nina JC Santos at Bela Padilla na The Day After Valentine’s, ang Akala.
Mararamdaman mo ang totoong kirot at sakit sa bawat lyrics nito, tulad na lang ng “Akala ko ikaw na ang binigay… akala ko hindi na sasablay…”
Kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagre-request ng chords nito kay Marion lalo na sa mga heartbroken at mga sawing indibidwal.
Swak ang nasabing kanta sa napakagandang kuwento ng bagong movie nina JC at Bela, sa mga hugot din ng bawat linya ng dalawa.
Ang The Day After Valentine’s ay official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na mapapanood mula August 15, hanggang 21, 2018 sa mga cinemas.