Sayang naman ang love team na ito, papasok sana sila for the first time as endorser sa isang food chain, pero naudlot pa dahil mahirap daw kausap ang ama ng actress. Marami raw itong kondisyones tungkol sa produkto kaya hindi na natuloy ang endorsement nila.
Akala namin ay tuluy-tuloy ang magandang simula ng love team nila, pero ngayong kilala na sila at marami na silang mga fans ay saka naman nagkaroon ng problema ang love team. Maganda pa naman ang produkto ng food chain na may TVC pa at siyempre, malaki ang talent fee. Heard na inihahanap na ng bagong makakatambal ang actor at malamang na siya rin niyang makakasama sa TVC ng food chain.
Aksidente nina Alden at Maine, binuko ng fans
Matatapos na lamang ang taping days ng Destined To Be Yours pero lagi pa ring problema ni Direk Irene Villamor at production staff ang maayos na pagtatrabaho nila dahil laging dinudumog ng mga tao ang kanilang set, lalo na kung hindi private ang lugar na gamit nila.
Noong Friday, nasa Pampanga ang setting at maaga pa raw ay marami nang tao. Hirap sila na kahit makiusap na huwag magpi-picture ng eksena, hindi sila sumusunod, at mas mahirap, ipino-post pa nila ang mga kuha nila sa social media.
Like may nagtatanong kung totoong naaksidente sina Alden Richards at Maine Mendoza, dahil may nag-post ng picture na may benda ang ulo ni Maine at si Alden naman ay may neck brace. Eksena nga lamang iyon sa story pero hayun, na-preempt na agad sa social media, hindi pa nga alam kung kailan ito ipalalabas na episode.
Cast ng Encantadia kumpleto sa Laguna
For the first time, magsasama sa isang mall show ang magpapaalam nang telefantasiya, ang Encantadia na nasa last two weeks na simula bukas, May 8 at ang papalit sa kanilang isa pang telefantasiya, ang Mulawin vs Ravenna.
Mapapanood ng mga fans ang pagsasama ng mga tauhan ng telefantasiya sa isang special presentation mamayang hapon sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. Sinu-sino kaya ang mga darating na cast ng Encantadia at Mulawin vs Ravena?
MMFF naghahanap ng mga sasali
Tinatawagan na ng 2017 Metro Manila Film Festival Executive Committee ang mga producers na gustong sumali sa much-anticipated annual film festival.
Kailangang mag-submit na sila ng script, 12 copies of the script plus a duly accomplished application form and complete requirements sa MMFF Secretariat Office, 3rd floor MMDA Auditorium Bldg, Orense St., EDSA Cor Guadalupe Nuevo, Makati City, on or before 5:00pm on June 15, 2017. Application fee is Php 30 thousand.
Ang finished film plus the duly accomplished application for and complete requirement can be submitted to the MMFF Secretarial until October 2, 2017 for early birds with only Php 30 thousand application fee, at ang regular finished film submissions will be until October 30 with a fee of Php50thousand.
Ang deadline for the Short Film category ay kailangang mai-submit on September 1. Ang announcement for the eight (8) official Short Film entries on September 29. At ang letters of intent ng filmmakers at producers na sasali sa festival ay kailangang mai-submit on or before 5pm on May 10.