Tribute kay Dick Israel sa KMJS

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo (October 16), babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang mala-pelikulang buhay ng yumaong aktor na si Dick Israel.

Dahil sa markado niyang pagganap lalo na sa kontrabida roles, sabay na kinamuhian at hina­ngaan ang beteranong aktor na si Dick. Nitong Hulyo, matatandaang naging laman ng balita si Dick matapos siyang masunugan. Nito namang Setyembre, ibinahagi nila ng kanyang misis na si Marilyn sa programang Wagas ang kuwento ng kanilang wagas na pagmamahalan. Ngunit si Marilyn, nitong nakaraang linggo, na-comatose. Habang si Dick naman, namatay sa atake sa puso ilang araw lamang ang nakalipas.

On a lighter note, may isang barangay raw sa Maynila na ang arrive hango sa isa sa pinaka-impluwensyal na banda sa kasaysayan: ang The Beatles. Mula sa mga murals at disenyo ng kanilang barangay, Beatles na Beatles daw talaga. Mukhang itinodo na talaga nila ang pagiging fanatic ng The Fab Four dahil mula sa pangalang Barangay 330, ang opisyal na nilang pangalan ngayon ay Barangay Beatles.

Ilan lang ito sa mga kuwentong tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA-7.

Show comments