Matagal din nagpahinga sa kanyang makeup transformation si Paolo Ballesteros.
Dahil sobra nga siyang naging busy sa kalyeserye bilang si Lola Tidora, kaya ipinagpaliban niya muna ang makeup transformation.
Pero nitong nakaraang January 9 ay muling ginulat ni Paolo ang kanyang 1.4 million followers sa Instagram dahil balik sa pag-makeup at pag-transform sa kilalang celebrities si Paolo ngayong 2016.
Naging pambulaga nga niya ay ang pag-transform niya bilang si Miss Universe 2015 1st runner up na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez.
Heto ang naging caption niya:
“ARIADNA GUCHENEZ 22, COLOMBIA #transformlangnangtransform #makeuptransformation #AriadnaGutierrez #MissUniverse2016edition”
Kinaaliwan sa social media ang mga makeup transformations ni Paolo. Na-feature na siya sa ilang foreign magazines at sa iba’t ibang entertainment websites.
Kabilang sa mga transformation ni Paolo ay sina US First Lady Michelle Obama, Kim Kardashian, Khloe Kardashian, Angelina Jolie, Ellen DeGeneres, Mariah Carey, Anne Hathaway, Megan Fox, Tyra Banks, Taylor Swift, Britney Spears, Dakota Johnson, Cara Delavigne, Ariana Grande, Caitlyn Jenner at pati na mga local celebrities na sina Vic Sotto, Regine Velasquez, Gloria Diaz, Jinkee Pacquiao at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
David Bowie apat na dekada ring namayagpag bago namaalam
Sumakabilang-buhay na ang kinikilalang legend of Glam Rock na si David Bowie.
Liver cancer ang naging dahilan ng pagpanaw ng 69-year old rock legend.
“David Bowie died peacefully today surrounded by his family after a courageous 18 month battle with cancer.
“While many of you will share in this loss, we ask that you respect the family’s privacy during their time of grief,” pakiusap ng representative ng pamilya ni David.
Higit na 40 years namayagpag ang singer-songwriter na si David Bowie sa mundo ng musika.
Nagsimula siya noong 1972 sa album na The Rise and Fall of Ziggy Stardust and the Spiders From Mars.
Ang kakaiba kay David ay ang kanyang mga paiba-ibang concept at imahe. Tulad na lang sa unang album niya, pinaghalo niya ang pagiging rock star at pagiging alien.
Pinagsama rin niya ang fashion ng British mod at kabuki ng Japanese para sa kanyang alter ego na si Ziggy Stardust.
Hindi nagtagal at na-penetrate ni David ang American rock chart dahil sa mga hit singles niya na Fame, Golden Years, Let’s Dance, Space Oddity, Heroes, Changes, Suffragette City at isang 1977 Christmas medley with Bing Crosby.
Kare-release lang noong January 8, 2016 ang kanyang 29th album titled Blackstar.
Hindi lang singer si David kundi lumabas din siya sa mga pelikula tulad ng Just A Gigolo, Merry Christmas Mr. Lawrence, The Last Temptation of Christ at Labyrinth.
Pinanganak si David Bowie bilang David Jones in London on January 8, 1947.
Nakadalawang-asawa si David. Una ay kay Mary Angela Barnett. Ten years silang nagsama from 1970 hanggang nag-divorce sila in 1980. Meron silang isang anak named Duncan.
Noong 1992 ay nakilala niyang supermodel na si Iman. Kinasal sila in 1992 at meron silang isang anak named Alexandria.
Si Iman ang nasa tabi ni David noong mamaalam ito.