Inasahang sampalan hindi nangyari, Priscilla feeling blessed nang makatrabaho si Janice

Sa presscon kahapon ng opening salvo ng ABS-CBN for 2016 na Be My Lady, hindi lang sa mga bida ng serye na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales nakatutok ang mata ng entertainment press kundi maging sa dalawang aktres na kasama rin sa cast na sina Janice de Belen at Priscilla Mereilles.

Paano nga kasi, everybody knows na si Janice ang ex-wife ni John Estrada at si Priscilla naman ang present. Kaya ang first question talaga sa Q&A portion ay para sa kanilang dalawa, kung how was it working with each other for the first time.

Priscilla was the first to answer.

“Sobra akong na-bless to be able to work with fine actress, I’m so thankful to the Lord and to ABS-CBN and to the whole cast of Be My Lady to trust me, you know for this kind of job because ang tapang nila, eh, to pair me with Ms. Janice,” simula ni Priscilla.

Dagdag pa niya. “I don’t think that I could be happier because Ms. Janice is very professional, she’s Ms. Janice de Belen, so while were doing the scenes, you know, I was obser­ving her because you know, this was my on the spot workshop so I was very happy, I was very amazed and amused with the way she acts and the way she delivers her job and her lines.

“And you know, the very first time that we met on the set, she was very courteous, just like a bliss to be watched coz she’s really good and I don’t think that’s she wouldn’t have that kind of title if she’s not that talented.”

Nahingan naman ng komento si Janice tungkol sa mga grabeng papuri ni Priscilla sa kanya at ang unang reaksyon niya, “ninerbyos naman ako, Priscilla. Ano bang sasabihin ko do’n. Hindi mata-top ng sasabihin ko ‘yun.”

Kasunod nito ay nagpasalamat si Janice sa kanya sabay-linaw na hindi naman sila magkaaway in the first place.

“Hindi po kami magkaaway, so, parang hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang big deal sa lahat ng tao that we’re going to work together. Hindi kami magkaaway. There is no reason for us to be enemies.

“And actually, noong tinanong sa akin ni Direl Ruel (Bayani, business unit head ng Be My Lady), nung sinabi niya sa akin if it was okay, sabi ko, wala namang problema, bakit naman magiging problema?”

Sa first day of taping nila, kwento pa ni Janice, alam daw niyang nakikiramdam ang lahat ng tao sa set.

“Kung may magsasapakan ba or magkakagulo ba, and you know I did my best make her feel comfortable not because I’m there but because it’s her first time,” say ni Janice.

Sa Be My Lady ay ginagampanan ni Janice ang nanay ni Erich Gonzales habang si Priscilla ang nanay ni Daniel. Magsisimula na ang serye sa Jan. 18 at papalitan niya ang time slot ng Ningning.

AlDub bubuwagin na?! Dahil kay Jake, Alden ligwak na raw sa kalyeserye!

Nagtatanong daw ang AlDub Nation kung bakit wala pa rin sa Eat Bulaga ang Pambansang Bae na si Alden Richards gayung dumating na ito ng Pilipinas mula sa kanyang show sa Dubai at Qatar.

Inaabangan ng AlDub Nation si Alden kahapon sa noontime show pero wala ito.

May nagtsika sa amin na sinabihan diumano si Alden na huwag na munang mag-report sa Eat Bulaga at tatawagan na lang kung kalian. Totoo kaya ito?

Ang tanong tuloy ng mga fans, binubuwag na ba ang AlDub? Mas pinapaboran na raw ba si Jake Ejercito over Alden?

May mga ispekulasyon na baka naman nakaapekto ang pag-alis ni Alden para mag-show sa Dubai at Qatar kung saan ay umalis siya ng January 5 at dumating na sa Pinas ng Sabado.

Pero ang tsika, maayos namang nagpaalam ang kampo niya at nagtatrabaho lang naman ang young actor.

Nag-email pa nga raw ang GMA Artist sa pamunuan ng Eat Bulaga na aalis siya ng January 5 at pinayagan naman. In fact ay pinilit pa rin nga raw ni Alden na makapasok sa Eat Bulaga ng January 5 at pumunta pa sa barangay ng kalyeserye kahit may 5:45 p.m. flight ito.

Anyway, nang may magtanong sa kampo nila Alden kung bakit wala ito sa EB, ang sagot lang nila ay nasa shoot ito sa Alabang para sa isang commercial.

Show comments