^

Pang Movies

Star City may handog sa Pasko

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang natatanging palabas na magkaha­long ballet at circus ang nagbukas sa Aliw Theater ng ika-18 ng Disyembre. JOY! – ang pina­kabagong pagtatanghal ng Circus D’ Ballet - ang handog ng Star City ngayong Kapaskuhan, at tatakbo hanggang ika-3 ng Enero 2016.

Halaw sa orihinal na palabas ng Circus D’Ballet nong 2001 na pinamagatang Belen na nagkaroon ng mahigit na 400 mananayaw sa loob ng dalawang taon, pagsasamahin ng JOY! ang 30 mananayaw ng Ballet Manila at 30 circus artists, kasama ang limang aerialists na nag-training kina Ruby at Luca ng Ruby Karen Project, Orange County Aerial Arts sa isang kamangha-manghang palabas ng circus at ballet.

Sa kuwento, magtatagpo ang dalawang mime artists at isang salamangkero upang dalhin ang mga manonood sa isang paglalakbay sa musika, gamit ang mga sikat na awiting Joy To the World, Pasko Na Naman, Pasko Na Sinta Ko, Hele, at Kumukutikutitap. Kanilang makikilala rin ang tatlong anghel na magdadala sa kanila sa Belen. Orihinal na konsepto ito ng chairman ng Star Parks na si Fred J. Elizalde.

Ang JOY! ay nasa ilalim ng direksyon at choreo­graphy ni Osias Barroso, katulong sina Gerardo Francisco, Jonathan Janolo, Michael Divinagracia, at Rudy De Dios. Bubuhayin ng JOY! ang Pasko Na Naman Muli ng Ballet Manila, na may halong mga acrobat, contortionist, unicyclist, jugglers, clowns, ae­rialists at isang batang-batang magician.

Libre ang panonood ng JOY! para sa lahat ng bisita ng Star City.

ACIRC

ALIW THEATER

ANG

BALLET MANILA

BELEN

CIRCUS D

FRED J

GERARDO FRANCISCO

JONATHAN JANOLO

JOY TO THE WORLD

STAR CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with