^

Pang Movies

Mga produ nagsasariling sikap MMFF 2015 kulang sa ingay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ilang araw na lang film festival na, pero parang hindi yata napapansin ngayon dahil abala iyong mga opisyal ng pamahalaan sa kampanya para sa eleksyon sa susunod na taon.

Ewan kung natitipon pa nila ang mga mayor para pag-usapan ang festival. Napapansin namin na ang promotion ng festival ay naroroon na lamang sa private initiative. Iyong mga producer na lamang ng pelikula ang nagpo-promote ng kanilang pelikula, pero wala kaming naririnig tungkol sa festival mismo.

Hindi kagaya noong araw, aba eh pinananabikan ang parada ng mga artista. Ngayon para bang sinasabing maidaraos din ang parada kahit na papaano, wala na kaming naririnig. Noon maaga ang paghahanda para sa gabi ng parangal, ngayon wala na rin.

Mabuti pa si dating MMDA Chairman Francis Tolentino, binanggit pa ang mga pelikulang kasali sa festival noong makipagkita siya sa press. Ang MMDA mismo, mukhang tameme.

Pero hanga kami dahil agresibo ang mga producer at ang mga artista na mag-promote ng kanilang mga pelikula.

Kung wala sila, wala nang makakaalam ng festival na iyan. Mas mabuti pa iyong mga festival na hotoy-hotoy, ginagawa lang sa tatlong sinehan pero may mababasa ka. Sa film festival na supposed to be pinakamalaki, puro promo lang ng mga pelikulang kasali.

Makikita mo na agresibo ang promo ng Haunted Mansion, kahit na wala silang network. Masisipag sa pagpa-plug ang mga artista noong Buy Now, Die Later sa kani-kanilang TV shows.

Napanood namin ang trailer at mukhang maganda ang pelikulang muntik nang hindi makasali, ang Honor Thy Father. Nagkalat din lalo na sa internet ang trailer noong Walang Forever. May sarili silang network kaya natural lang na matindi ang promo noong Beauty and the Bestie. Iyong iba ewan na.

Ang MMDA, dapat naglalaan sila ng pamamaraan para mai-promote ang festival at ang mga pelikula, after all iyon ang dahilan kung bakit sinasabing ikaw ang host ng isang festival. Kung ang dahilan lang ng pagho-host nila ng festival ay para magbigay ng kaunti para sa Mowelfund, at mai-save ang bahagi ng kita para sa Optical Media Board, sa “social fund” ng presidente, at mga “cash gifts”, mas maganda pa nga siguro na ibalik na sa industriya ang hosting ng festival na iyan.

Gabay ng mga magulang kailangang-kailangan Rated PG swak kasi sa MMFF

May nagtanong sa amin, bakit daw kaya sinabi ng kanilang star na si Janella Salvador na ang pelikula nilang Haunted Mansion ay rated PG?

Tama naman po ang ganoong ratings, kasi iyan ay isang horror movie. Kung panonoorin iyan ng mga bata na walang gabay ng kanilang mga magulang, baka kung ano ang isipin nila oras na makita ang mga nakakatakot na eksena.

Lalo na nga at may mga eksena ang pelikula  na ginamitan ng mga makabagong optical effects. Maaaring matakot nang husto ang mga bata, kaya kailangan ang gabay ng magulang.

Ganoon din naman dapat iyong mga love stories na wala kang makita kung ‘di harutan nang harutan.

Hindi dapat na mapanood ng mga bata iyan nang walang patnubay ng magulang dahil baka matanim sa isipan nila na ok lang iyong ganoong pakikipag­harutan.

Makakasira iyan ng tamang moral values.

Iyang mga ganyang pelikula ay iisipin mong “harmless” pero isipin natin kung ano ang maiiwan niyan sa isipan ng mga makakapanood, lalo na nga kung bata.

Kaya nga kami, ang paniwala namin talaga dapat alisin na iyong G rating.

Dapat lahat magsimula na sa PG, maliban na lang kung iyon ay isang religious movie.

ACIRC

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BUY NOW

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DIE LATER

FESTIVAL

HAUNTED MANSION

KUNG

MGA

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with