^

Pang Movies

FPJ at Dolphy walang makapalit

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Thirteen years na pala ang PM. Napakabilis ng panahon, hindi halos namin namamalayan. Ano nga ba ang sasabihin namin?

This time, gusto naming alalahanin ang 13 ring showbiz personalities na sa amin ay nakagawa ng kakaibang impression.

Hindi puwedeng hindi una si Fernando Poe, Jr. (FPJ), ang hari ng pelikulang Pilipino.

Bigla kasi ang kanyang kamatayan at palagay namin hanggang ngayon hindi pa nakaka-move on ang mga Pilipino.

Kaya nga hanggang ngayon sinasabi nilang siya pa rin ang hari ng pelikula kahit na namayapa na siya.

Ganoon din naman ang come­dy king na si Mang Dolphy, wala ring nakapalit sa kanya.

Sila dalawa lamang ang mga artistang may lehitimong monumento na nakalagay pa sa Roxas Boulevard.

Talo pa nila iyong mga national artist na may medalya nga, may pension, pero walang monumento.

Si Governor Vilma Santos, na noong araw ni hindi namin naisip na makaka-crossover mula sa pagiging isang aktres tungo sa pagiging isang mahusay na public servant.

Nakita namin iyong transformation ni Ate Vi, mula sa mga bagay na pinag-uusapan namin kung napupunta kami sa mga shooting niya noong araw, o doon sa props room ng GMA 7 kung saan siya tumatambay kung may show siya noon.

Ang laki ng kaibahan ngayong nakakausap namin siya sa kapitolyo ng Batangas.

Si Sharon Cuneta rin, na mula sa pagiging isang pop idol, ikinagulat ng marami na mas mahusay pala siyang aktres.

Gusto naming banggitin din si Richard Gomez, na noong una ang akala namin ay matinee idol lang, pero napakahusay palang actor at sensitive sa mga public issues.

Si Aga Mulach din, palibhasa noong makilala namin ay talagang bata pa naman, biglang nagkaroon ng phenomenal rise ang popularidad at itinuring na superstar noong kanyang panahon.

Believe kami kay Joey de Leon, hindi isang komedyante ang tingin namin kay Joey kung di isang ‘idea man’. Ang bilis ng ideya niyang taong iyan. Ngayon kaya ganyan iyan, ginagamit na niya ang mga ideya niya sa iba, hindi na sa kanyang sarili.

Ang matinee idol na si Alfie Anido, na bigla ring yumao, pero hanggang ngayon, mahigit ng tatlong dekada ang nakaraan, napag-uusapan pa rin.

Si Angel Locsin din, na noong una naming makita sa TV ang nasabi namin ay maganda siya.

Pero dumating ang panahon na isa pala siya sa pinakasensitibong aktres. Babanggitin din natin si Nora Aunor, na siguro siya ngang nagtamo ng pinakamaraming ac­ting awards, kahit na ngayon hindi na nga kumikita ang kanyang mga pelikula.

Remarkable din ang napakabilis at matinding pagsikat ni Daniel Padilla. Nagulat kami sa dami ng taong nagkakagulo basta nakikita si Daniel Padilla hanggang ngayon.

Matindi pa rin ang dating niya sa mga fans, iyon nga lang tila mas dumami na ang nagkakagulo sa AlDub ngayon. Hindi nabawasan ang popularidad ni Daniel, marami lang na nahatak na iba pa ang AlDub.

Hindi namin sila babanggitin bilang individual stars, mas kilala sila at mas impressive nga bilang AlDub.

Iyan ang aming thirteen choices ng mga stars na sa palagay namin talagang nakapagtala ng impression.

ACIRC

ALFIE ANIDO

ANG

ATE VI

DANIEL PADILLA

FERNANDO POE

HINDI

MANG DOLPHY

MGA

NAMIN

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with