Sa first movie ni Janine Gutierrez, ang Buy Now, Die Later ng Quantum Films Production for the Metro Manila Film Festival simula sa December 25, happy siya dahil first time niyang makakasama ang mommy niyang si Lotlot de Leon.
Pero hindi sila magkasama sa eksena dahil gagampanan niya ang role ni Maita, ang bumabatang si Lotlot sa episode nilang Kanti.
Pero okey na rin daw iyon sa kanya dahil kasama naman niya sa taping ang mommy niya na nagbibigay sa kanya ng ilang pointers.
Horror-comedy ang movie na dinidirek ni Randolph Longjas mula sa script ni Allan Habon at kasama nila sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, John “Sweet” Lapus, Rayver Cruz, Lotlot de Leon at si TJ Trinidad as Santi na sa pamamagitan niya, maku-connect ang mga buhay nila at magkakasama-sama silang lahat sa ending.
Hindi naman tumanggi si Janine nang tanungin tungkol sa paglipat ng boyfriend na si Elmo Magalona sa ABS-CBN.
Inamin niyang may konting lungkot pero ang mahalaga, buo pa rin ang relasyon nila, secure daw sila sa love nila sa isa’t isa.
Nagkikita pa rin sila para manood ng sine kahit medyo busy na sila sa kani-kanilang work dahil may work na rin si Elmo at siya naman busy sa taping ng morning serye niyang Dangwa at may dalawa siyang indie film na ginagawa, ang Lila with Enchong Dee for the Sinag-Maynila Filmfest at ang Dagsin with Benjamin Alves for the Cinemalaya.
Korina at Mar pinakita ang bago nilang hotel
Pinuri ni Liberal Party presidentiable Mar Roxas ang paghahandang ginawa ng asawang si Korina Sanchez-Roxas para sa isang maagang Christmas at thanksgiving party for the entertainment press na ginawa sa bagong tayo nilang Novotel sa tabi ng Smart Araneta Coliseum.
Nauna nga si Korina para ma-estima ang mga entertainment press, at nakasama rin nila ang kapartidong sina Alfred Vargas at Dan Fernandez.
Iyon na ang time na ipinakita for the first time ang music video nilang Isang Maligayang Paskong Matuwid na magkakasama ang mga Kapamilya at Kapuso stars tulad nina Maricel Soriano, Carla Abellana, Karylle, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Original composition ito nina JayR, Kris Lawrence at Billy Crawford.
Alden at Maine binulabog ang EK
Mukhang sinubukan ng mga producer ng My Bebe Love movie nila sa MMFF ang pagdi-date nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa City, para malaman kung paano magri-react ang mga tao kapag nakita silang magkasama sa isang public place.
Hindi nila ipinasara ang theme park kaya naman grabe ang dami ng tao na gustong makalapit sa dalawa.
Sumakay sila sa carousel, sa bump car, sa Ekstreme Tower Ride na napaiyak sa takot si Maine. Lahat ng gusto ni Maine, sinunod ni Alden, at nang bigyan sila ng chance na magkausap na, doon na ibinigay ni Alden.
Sa ending, ipinakita sila, kasama ang tatlong lola sakay ng Anchors Away boat.