Natakot sa nangyari sa Paris APEC leaders, malamang magkansela ng pagbisita sa bansa

Nag-aral sa Paris si KC Concepcion kaya alam niya ang lahat ng sulok ng lugar na sinugod ng mga terorista noong Biyernes.

Affected si KC ng terrorist attack sa Paris at nag-aalala siya para sa kalagayan ng kanyang mga kaibigan doon.

Nabanggit ni KC na kagagaling lamang niya sa Bataclan area, ilang linggo lang ang nakararaan nang magbakasyon siya sa Paris.

Nasa news ngayon ang Bataclan dahil dito naganap ang concert ng Eagles of Death Metal na sinugod ng mga terorista at pinagbabaril ang mga inosenteng audience.

Pre-meditated o planado ang pag-atake dahil itinaon ito sa petsa na Friday, the 13th at sa concert na nakakaloka ang pangalan ng banda, ang U.S. rock group na Eagles of Death Metal.

Nakakakilabot ang mga kuwento ng mga survivor tungkol sa mabilis na pangyayari na kumitil ng maraming buhay.

Dahil sa terrorist attack sa Paris, triple ang seguridad sa ating bansa dahil dito idaraos sa linggong ito ang APEC Summit 2015 na dadaluhan ng world leaders. Hindi ako magtataka kung may mga lider na magkakansela ng kanilang Manila visit dahil sa trahedya na naganap sa Paris.

Maraming artista ride pa more sa mga ginawa ng terorista

Bukod kay KC, nag-post ng mga mensahe sa social media ang ibang mga artista tungkol sa karumal-dumal na krimen sa Paris.

May mga artista na nagpakita ng concern at may mga artista na nakisakay sa isyu para mema (may masabi lang).

Sila ‘yung mga artista na hindi alam ang tunay na isyu pero nakisawsaw para masabi ng fans na updated sila sa current events at feeling relevant sa society.

Papa Eddie, ‘di halatang nag-promote ng serye

Nakapag-promote kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga si Eddie Garcia na gumanap bilang kapatid ni Lola Babah, ang lola ni Alden Richards na ginagampanan ni AiAi Delas Alas.

Starring si Papa Eddie sa Little Nanay, ang primetime teleserye ng GMA 7 na magsisimula bukas.

Umapir kahapon si Papa Eddie sa kalyeserye para i-remind sa televiewers ng Eat Bulaga ang pag-uumpisa ng teleserye na tinatampukan nila nina Nora Aunor, Gladys Reyes, Kris Bernal, Bembol Roco, Mark Herras at marami pang iba.

In fairness, hindi hard sell ang ginawa ni Papa Eddie ‘ha? Hindi halata na nag-guest siya sa kalye­ser­ye  ng Eat Bulaga para i-promote ang Little Nanay.

Apo ni Lorna T. na si Tori, pang-showbiz

Sosyal na bata si Tori, ang apo ni Lorna Tolentino dahil bukod sa birthday celebration niya sa Hong Kong Disneyland noong November 12, dinala rin siya ng kanyang lola sa Macau.

Apat na taon na si Tori noong November 11 at ang Hong Kong trip ang birthday gift sa kanya ng pamilya niya. Kasama sa biyahe ang kanyang mga magulang at ang uncle na si Renz Fernandez kaya absent ito sa grand presscon ng Little Nanay.

Hindi man siya sumipot sa press launch ng Little Nanay, naramdaman ng mga reporter ang presence ni Renz dahil sa cellphone na ipina-raffle niya.

Enjoy na enjoy si Tori sa kanyang Hong Kong at Macau trip. Matalinong bagets si Tori kaya na-appreciate na niya ang pamamasyal sa Hong Kong Disneyland at sa Macau.

Malakas ang kutob ko na magiging artista rin si Tori kapag nagdalaga na ito dahil may pagmamanahan siya, ang kanyang Lola LT. Palaging ginagaya ni Tori ang mga kilos at pananalita ng kanyang award-winning lola, mga palatandaan ng isang budding actress.

Show comments