Young actor nasisira ang tiyan tuwing kakabahan sa pagho-host

Sirain pala ang tiyan ng young actor at tuwing sasalang daw ito sa stage para mag-host ng anumang event, lagi itong tatakbo sa banyo para ilabas ang hindi kanais-nais sa kanyang katawan.

Ayon sa isang close sa young actor, naging habit na raw ito dahil sa pagiging nerbyoso ng young actor. Kapag inatake na raw ito ng nerbyos, asahan mo na sa banyo ito didiretso at magbabawas. Doon lang daw siya magiging maayos kapag nakapagbawas na siya.

Pero minsan nga sa isang malaking event ay muli na namang inatake ng nerbyos ang young actor isang oras bago ang event. Nakaramdam na naman ito kaya nagpaalam sa kanyang handler na tatakbo muna siya sa banyo.

Ang nakakalokah ay dahil ginanap sa isang malaking tent ang event, public bathroom lang meron sila at walang choice ang young actor.

Noong matapos na siya, kamalas-malasan niya na napunta pa siya sa cubicle na sira ang flush kaya hindi niya mai-flush ang kanyang dumi.

Tagagtak ang pawis ni young actor dahil imbes na takasan na lang niya ang hindi na-flush na dumi ay hindi siya nakalabas ng cubicle dahil biglang nag-CR ang dancers na kakatapos lang ng dance number sa stage.

Tatlo lang ang cubicle at okupado pa niya ang isa. Kaya hindi siya makalabas dahil nahihiya siyang makita ng sinuman ang dumi na maiiwan niya.

Kaya dinededma niya ‘yung katok nang katok sa cubicle door niya sa hiya niyang lumabas. Sabay pa ang panay na text at tawag ng handler nito na isasalang na siya in ten minutes sa entablado.

Mabuti na lang at sabay-sabay ding umalis na sa banyo ang dancers at nang sumilip si young actor ay wala nang tao kaya mabilis siyang nakalabas ng cubicle at naghugas ng kamay.

Paglabas niya ay humingi agad siya ng cologne sa kanyang handler dahil pakiramdam niya ay dumikit ang amoy ng sarili niyang dumi sa damit niya.

Ang ending, nagawa rin naman ni young actor ang trabaho niyang mag-host. Pagkauwi niya ay natatawa na lang siya sa remembrance na iniwan niya sa banyo ng venue.

Pero naka-limang taon na dahil laging busy Mikael at Megan, nagkakasya na lang sa pa-text-text at video chat

Nakatanggap si Mikael Daez ng positive at negative feedbacks over social media dahil sa role niya sa My Faithful Husband.

Ikinatutuwa naman ito ni Mikael dahil mas ginaganahan siyang pagbutihin pa ang kanyang pag-arte sa teleserye.

“Mas gusto kong basahin ‘yung negative comments kasi it means na very effective ako sa role ko as Dean.

“The meaner the tweet, the more I push myself to my character.

“Mahirap ang gumanap kang kontrabida tapos walang nakaka-appreciate.

“Dito sa My Faithful Husband, we all see to it na mapu-push pa namin ang eksena. More than what our director (Bb. Joyce Bernal) wants from us.”

Okey lang din kay Mikael na mabigyan ulit siya ng kontrabida role.

“I don’t mind kung sa next project ko ay maging kontrabida ulit ako.

“This is work and I have to be professional about it.

“Wala pa naman tayo sa level na nakakapili tayo ng mga gagawin nating trabaho,” ngiti pa niya.

Kinumusta naman ang relasyon nito kay Miss World 2013 Megan Young. Balitang nag-celebrate sila ng ika-5th year bilang “special friends” last September.

Sey pa ni Mikael na pareho raw silang very busy ni Megan kaya may pagkakataon na hanggang text o video chat na lang sila.

Reklamo pangha-harass ng radio host pinanindigan ni Taylor Swift

Nag-file ng isang counterclaim suit si Taylor Swift sa isang former Denver radio host na si David Mueller.

Idinemanda kasi ni Mueller ang pop singer dahil nawalan daw siya ng trabaho dahil sa false accusation nito “that he inappropriately touched her during a photo session.”

Hinipuan daw ni Mueller si Taylor sa puwet nito noong nakaraang June 2, 2013. Pero itinatanggi ito ni Mueller.

“Mueller’s newfound claim that he is the ‘wrong guy’ and, therefore, his termination from KYGO was unjustified, is specious,” seys Swift’s attorneys sa counterclaim.

“Ms. Swift knows exactly who committed the assault — it was Mueller.”

Gusto nga ni Taylor na magkaroon ng jury trial at ang amount ng pera na makukuha sa lawsuit ay ido-donate nito (Taylor) sa mga charitable organizations dedicated to protecting women from similar acts of sexual assault and personal disregard.

Show comments