Ano nga kaya, Salve A., kung maging Pambansang ‘hashtag’ ang Everyday I Love You?
Everyday, I Love You ang title ng movie na muling pagsasamahin ang magka-love team na sina Enrique Gil and Liza Soberano.
Also in Everyday…, a Star Cinema movie, directed by Mae Cruz-Alviar, is Gerald Anderson.
“How easy to say those words,” ani Gerald. “Pero, sana sincere naman at kumbaga, tagos sa puso.”
Twenty seven years old na si Gerald at nasa magsasampung taon na sa showbiz.
He is a product of Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition.
Like Enrique, common knowledge na nagkaroon din ng ka-love team si Gerald, si Kim Chiu.
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Kim, both as a love team and as sweethearts.
Pero friends na raw sila uli, ani Gerald.
As a love team, hanga raw si Gerald sa samahan nina Enrique at Liza.
Kahit hindi pa naman formally mag-on ang dalawa, since, at 17, bawal pa kay Liza ang ma-in-love, pero parang walang sawang sa tuwina ay ibinubulong ni Enrique sa dalagita na everyday, he loves her.
“Kinikilig ako, sa totoo lang,’’ pag-amin ni Gerald. “Yes, the movie is meant to be na pakiligin ang mga manonood, kahit pa lagpas teenager na sila, tulad ko.”
Bagama’t third party na maituturing ang role niya sa Everyday… still without him, the movie will not be complete. It is because of his presence, kaya, magkakaroon ng semblance of maturity ang pelikula.
From Gerald, according to both Enrique at Liza, they learned the importance of dedication and love for work.
Everyday… opens in theaters nationwide on October 28.
Lucy no reaction sa ‘relasyon’ nina Goma at Dawn
Hindi pala nagseselos si Congressman Lucy Torres-Gomez, kapag pinanonood niya ang mga pelikula na magkasama ang kanyang asawang si Richard Gomez at Dawn Zulueta.
“Tagahanga kasi siya ng aming tandem,” ani Richard. “Kahit, halimbawa may mga eksena kami ni Dawn na naidi-describe na intimate, okay lang sa kanya.”
Pero sa kanilang upcoming project, ang seryeng You’re My Home, ani Dawn, ay hindi lang basta romantic na panoorin.
It’s about a couple, who thought they could not ask for anything more, as their growing children ay pawang maituturing na ideal.
Hanggang sa may nakakagulat na pangyayari ang pumasok sa kanilang mga buhay, pangyayaring may koneksyon sa kanilang youngest son, played as a boy by child actor Raikko Mateo and as a teenager by former child actor Paul Salas.
Naging cause rin ito ng paghihiwalay ng mag-asawa. Dawn, as Marian, focused her attention on her business, a clothing business.
Richard, as Gabriel, a topnotch lawyer, found comfort naman in the lady police officer assigned to solve the case of Gabriel.
Lara Quigaman plays Richard’s mistress (Roni).
Also in the cast Jessy Mendiola, JC de Vera, Assunta de Rossi, Tonton Gutierrez, Minni Aguilar, Diana Zubiri, Jobelle Salvador, Mika dela Cruz, Pewee O’Hara, Bugoy Cariño at Tonton Gutierrez.
Directed by Jerry Sineneng, whose last directorial job was the teleserye, Hawak Kamay.
By now, we all know that Richard is running anew for Mayor of Ormoc City in the 2016 polls.
And guess what?
This early, he promises Dawn na kapag nanalo siyang Mayor ng Ormoc, their next project together, mapapa-pelikula o TV ay maglo-location sa Ormoc City.