Pinasok na ang sexy actress na si Yam Concepcion sa Kapamilya teleserye na All Of Me.
Nang tanungin si Yam kung totoong pinalitan na si JM de Guzman sa naturang teleserye dahil sa pinapakita nitong attitude problem sa set, sinabi ni Yam na nandoon pa naman daw ito.
“Kakapasok ko lang kasi kaya hindi ko alam na may kung anong drama pala na nagaganap between JM and the production staff.
“Noong mag-taping naman ako, nandoon naman siya at mukhang okey na ang lahat.
“Nag-dinner pa nga kaming lahat at masaya naman si JM.
“Wala akong nakitang iba sa kinikilos niya.
“Hindi ko lang alam ang buong istorya kaya wala akong masyadong masasabi about that incident.
“Sana naman ay okey na ang lahat kasi magaling na aktor si JM. Huwag niyang sayangin ang husay niya bilang artista,” diin pa ni Yam.
Naka-move on na si Yam mula sa heartbreak niya with Ejay Falcon. In a relationship siya ngayon sa isang non-showbiz guy named Miguel Cu-Unjieng.
“Nine months na kaming may relationship. He is based in the U.S. kaya long distance relationship kami.
“Binisita ko siya kelan lang and we enjoyed our time together kahit na ilang weeks lang. Kailangan kong umuwi dahil sa trabaho.
“Ang maganda kay Miguel, he always communicates with me through Facetime.
“Kahit na malayo siya, parang ang lapit-lapit niya sa akin,” pagtapos pa ni Yam Concepcion.