Pasaway na male celebrity, galit-galitan nang dumating sa set para makaiwas sa mga nanggagalaiti na staff

Hindi pa rin pala nagbabago ang pag-uugali ng male celebrity na ito na naunsyami ang kasikatan.

Kelan lang ay may staff ng show na naimbiyerna sa male celebrity dahil sa rami ng reklamo niya sa isang location taping.

Unang-una ay late na raw dumating sa location at ito pa raw ang may ganang magalit dahil naligaw daw siya.

“Imposibleng maligaw siya dahil ang daling puntahan ng location namin.

“Kahit na ipagtanungan pa niya sa mga tao kung nasaan itong lugar, maituturo siya dahil alam ng marami ang lugar na iyon.

“Tsaka binigyan pa namin ng mapa ang driver niya. Napakadaling sundan ng mapa na iyon

“Tsaka naka-smart phone siya, ‘di ba? Wala ba siyang Google Map o Waze man lang na app para alam niya kung nasaan siya kung totoong naligaw siya?

“Or sana tinawagan niya ang talent coordinator namin para masabi niya na naligaw siya.

“Hindi ‘yung galit-galit siya kunwari dahil naligaw siya. Idaan ba sa gano’n para mapagtakpan ang pagiging late niya?” talak pa ng source namin.

Pangalawa ay nagreklamo pa raw ito sa pinapasuot sa kanya sa taping. Mainit daw at kung puwede ay naka-t-shirt na lang siya. Hindi pumayag ang staff dahil iyon daw ang required. Padabog pa raw na nagpalit ang pasaway na male celebrity.

“Sino ba sa tingin niya ang masusunod dito sa taping? For sure na hindi siya dahil pinakiusapan lang kami na kunin siyang guest.

“Imbes na maging thankful at may trabaho siya, may kung anong reklamo pa siya? No wonder walang nangyari sa career niya dahil totoong umakyat ang kayabangan sa ulo niya,” talak pa ulit ng source namin.

Noong matapos ang shoot ng male celebrity ay umalis daw ito na hindi man lang nagpaalam at nagpasalamat.

Nalaman ng staff na late na raw nagising pala ang male celebrity kaya super late na itong dumating sa taping.

“At ito pa, gusto niyang ipakansela ang guesting niya dahil tinamad na raw siyang bumiyahe. Pinagalitan siya ng handler niya dahil sila ang mapapahiya. Sila na raw ang nakiusap na i-guest siya tapos nagtatamad-tamaran pa siya.

“Kaya napilitan itong magbiyahe at hindi siya naligaw. Excuse na lang daw niya iyon dahil sobrang late na siya.”

Kaya hindi na raw mauulit ang pag-guest ng male celebrity sa show kahit na pakiusapan pa sila ng handler nito.

Kasama ang dalawa pang Pinoy films dalawang pelikula ni Lino Brocka pasok sa 100 Best Asian films ng Busan Int’l Filmfest

Apat na Filipino films ang nakapasok sa 100 Best Asian Films na ni-release noong nakaraang Sunday kaugnay ng 20th anniversary ng Busan International Film Festival in South Korea.

Sa naganap ngang Asian Cinema 100, dalawang pelikula ni Lino Brocka na Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (#18) at Insiang (#48); isang pelikula ni Mike de Leon na Batch ’81 (#48); at isang pelikula ni Lav Diaz na Melancholia (#66) ang pasok sa listahan.

Pinalabas noong 1975 ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag at pinagbidahan ito nina Bembol Roco at Hilda Koronel. Nanalo ito ng anim na FAMAS Awards including Best Picture, Best Director at Best Supporting Actor for Tommy Abuel.

Ang Insiang ay pinalabas noong 1976 at ito ang kauna-unahang Filipino film na naipalabas sa Cannes International Film Festival. Nanalo ito ng awards para kina Hilda Koronel, Mona Lisa at Ruel Vernal sa Metro Manila Film Festival at Gawad Urian.

Ang Batch ’81 ay ni-release noong 1982 at nakabilang ito sa Director’s Fortnight ng Cannes. Nagwagi ito ng maraming awards sa Gawad Urian at Film Academy of the Philippines.

Ang Melancholia ay pinalabas noong 2008 at nanalo ito ng Horizons Award sa 65th Venice International Film Festival.

Hindi nakasama ang Himala ni Ishmael Bernal sa 100 Best Asian Films, nakasama naman ito sa 100 Best Asian Directors kunsaan nag-rank siya at #40. Ang iba pang nakasama sa list ay sina Lino Brocka (#16), Lav Diaz (#26), Gerardo de Leon (#32), Brillante Mendoza (#40), Mike de Leon (#62), Lamberto Avellana (#62), Mario O’ Hara (#62) and Kidlat Tahimik (#62).

Sandra Bullock may bagong ampon

Isang baby girl naman ang bagong ampon ng Oscar winner na si Sandra Bullock.

Limang taong gulang na ang baby boy na unang inampon ni Sandra named Louis. Panahon na raw para mabigyan na ito ng kapatid ayon pa sa 51-year old Hollywood actress.

Unti-unti na ngang nabubuo ulit ang pamilya na gusto ni Sandra. Bukod sa dalawang adopted kids, meron na rin siyang kinakasamang boyfriend, ang model-photographer na si Bryan Randall.

“She had the paperwork ready to adopt another child but really wanted to do it with the right man, and Bryan’s been checking every box so far,” ayon pa sa Radar Online.

Balita ngang magsasama na sina Sandra at Bryan sa iisang bahay. May sarili ding anak si Bryan at ang trabaho nito ay dinadala siya sa kung saan-saang lugar. Gayun din si Sandra na madalas ay nasa far off location ang shooting ng pelikula.

Show comments