Mga pelikulang pang LGBT, magpipiyesta sa Pink Filmfest
Nanguna sa launch ng this year’s Quezon City Pink Film Festival si Director Nick Deocampo. Nagpasalamat siya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na muling isinali ang Pink Film Festival sa Quezon City 75th Diamond Jubilee Anniversary presentation na magsisimula sa October 6 sa Gateway Cinema. Dadaluhan ito ng local at foreign movie celebrities na manggagaling pa sa ibang bansa.
Magiging opening film ang Dressed As a Girl na mula sa United Kingdom na tungkol sa drag queens. Tatagal ang festival hanggang October 11. Iniulat din ni Nick Deocampo na naging successful ang Pink Film Festival last year kaya muli itong ginawa sa taong ito at naipasa na rin ang Gender Fair Ordinance na nagbibigay ng equal rights to all genders, una sa Asia, sa pamamagitan ng bill ni QC Councilor Mayen Juico.
Sa pamamagitan ng bill, nangangahulugan ito ng progressive outlook ng Quezon City towards the future under the administration of Mayor Herbert Bautista. Wala si Mayor Bistek na kailangan mag-attend ng budget hearing kaya si Councilor Mayen Juico ang dumalo.
Bukod sa foreign films na tulad ng Teddy Best Film winner from Berlin, ipalalabas din ang Nasty Baby from USA at pelikula rin mula Uruguay, Chile, Kenya. At ipi-feature din ang local movies natin tulad ng I Love You, Thank You nina Joross Gamboa at Prince Stefan na kinunan sa Thailand, Cambodia at Vietnam; ang award-winning movie na Esprit de Corps ni Sandino Martin. Esoterika ni Ronnie Liang directed by Elwood Perez; Pinoy Transking; Grace at Shunned. Mayroon ding selected short films like Julie na mapapanood sa festival.
Ang Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) ay binuo ng Quezon City Pride Council for the Quezon City Government and the Diamond Jubilee Commtiiee. Request nina Director Nick Deocampo at Coun. Juico na tangkilikin natin ang festival.
Wally natakot sa seguridad ni Yaya Dub
Nakausap namin si Wally Bayola aka Lola Nidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga bago siya nag-show sa Zirkoh last Wednesday evening. Isa sa naitanong namin sa kanya, kung paano sila nakaalis sa location nila ng sugod-bahay na nakitang dinagsa sila ng mga tao. Medyo raw natakot sila talaga lalo na for Maine Mendoza aka Yaya Dub nang makita nilang hindi na makaya ng security ang mga tao. Mabuti na raw lamang, gumawa ng paraan ang Chairman ng barangay na naipapasok ang van nila kaya nakasakay sila.
Kahapon ay nag-celebrate ng 11th Weeksary sina Alden at Yaya Dub. Ipina-deliver ni Yaya sa studio ang cupcakes na siya raw ang nag-bake, ipinadala naman ni Alden ang bouquet of flowers at anniversary card niya for Yaya through the riding in tandem. Naging gift naman nina Alden at Yaya sa mga fans ang live nilang pagdu-duet ng Wish I May at God Gave Me You. Nag-request naman si Lola Nidora kung pwedeng dumalaw silang apat sa studio para makilala nang husto ni Yaya ang Dabarkads. Pumayag naman sina Tito Sen, Joey de Leon at Allan K na pumunta sila sa studio sa Sabado, October 3.
Kaya si Alden, kahit after ng kalyeserye mamaya ay lilipad siya para sa kanyang fans day sa Gaisano Island Mall sa Mactan, Cebu at 6:00 p.m., balik din siya kinagabihan after the show. Mahirap daw kasi kung tomorrow morning siya babalik ng Manila, kung magkaroon ng delay sa flight, ayaw niyang mahuli sa another big day ng Eat Bulaga.
- Latest