Napaglipasan na Kim at Xian, naungusan na ng JaDine at KathNiel

Inulan ng kilig moments sa kick-off cele­bration ng 6th anniversary ng It’s Showtime last Saturday na ginanap sa Smart Ara­neta Coliseum dahil sa pagsuporta ng apat na pinakasikat na loveteams ng bansa – ang KimXi (Kim Chiu and Xian Lim), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil), JaDine (James Reid and Nadine Lustre) at Kath­Niel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla).

Nag-perform ng kanya-kanyang duet num­bers ang apat na loveteam at hindi lang ‘yan, sa finale number ay nagsama-sama pa ang LizQuen, JaDine and Kath­Niel na nag-per­form kaya naman nakakabingi talaga ang siga­wan sa Araneta.

Sa apat na loveteams, hindi maitatanggi na pinakasikat ang KathNiel dahil sila ang may pinakamalakas na sigawan from the audience.

Pero revelation ang JaDine dahil sila ang pumapangalawa sa KathNiel pagdating sa lakas ng sigawan. Tinalbugan pa nila ang KimXi at LizQuen.

Nakakakilig sina James at Nadine habang kinakanta nila ang theme song ng On The Wings Of Love na may pareho ring ti­tulo. May time kasi na sobrang nagkalapit ang kanilang mukha na parang maghahalikan.

At pinaulit pa ito ni Vice Ganda sa kanila after ng kanilang performance kaya naman sigawan to the max ang fans nila.

Nakakatuwa naman ang pagka-passionate ng Kath­Niel fans to the point na may umiyak pa habang kinakanta ng dalawa ang Pa­ngako Sa ‘Yo na theme song din ng kanilang serye.

Sa audience ay makikita ang iba’t-ibang posters, streamers and banners ng KathNiel fans. Pinakamatindi ‘yung streamers nila na may nakalagay na “We live in a KathNiel world”.

Cute rin ang number ng KimXi na Mr. Right, ang hit single ni Kim. Yun nga lang, talagang talung-talo sila ng fans nina JaDine at KathNiel. Hindi lang kaya nakarating ang KimXi fans or lumipas na ang panahon nila?

Ang mga hosts naman ay may kanya-kanyang pasa­bog din sa kanilang opening number. Ang tatlong girls na sina Karylle, Coleen Garcia at Anne Curtis ay humataw sa kanilang dance number.

Panalo rin ang dance number nina Vhong Navarro at Billy Crawford although medyo nabitin kami dahil maikli lang ito. Sana ay binigyan ng buong dance number ang dala­wa dahil magaling naman silang sumayaw.

Si Vice Ganda naman ay nagpaikut-ikot din sa ere sa kanyang buwis-buhay number.

At hindi rin nagpahuli si Vice Ganda sa pagpapakilig dahil sa isang prod number nila nina Karylle, Anne and Vhong ay hinalikan niyang bigla sa lips ang asawa ni Yael Yuzon.

Maging si Karylle ay nagulat sa paghalik sa kanya sa lips ni Vice Ganda at hindi lang isang beses kungdi dalawa.

We’d like to congratulate the whole production kabilang na ang mga hosts sa effort nila na mabigyan ang viewers ng isang memorable show na tulad nito.

At say nila, simula pa lang daw ito at marami pa raw silang surprise na ibibigay sa manonood sa month-long anniversary celebration ng show.

Empress nanganak na!

As we write, Empress Schuck just gave birth to a healthy, bouncing baby girl sa St. Luke’s Medical Center.

 

Show comments