^

Pang Movies

Pero walang ka-date na Coco Julia angat na angat ang ganda sa Star Magic Ball, waging star of the night

- Vinia Vivar - Pang-masa

Puring-puri ng netizens sa social media si Julia Montes sa 9th Star Magic Ball na ginanap last Saturday, Sept. 12 sa Makati Shangri-La Hotel. Simple pero elegante ang kanyang white Albert Andrada gown at talaga namang pagkaganda-ganda niya that night.

Kaya naman super-deserving siya nang parangalan siyang Female Star of the Night nang gabing iyon.

‘Yun nga lang, dateless at walang escort na dumating ang Doble Kara actress that night at hinahanap ng mga netizens ang rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Hindi pala nakadalo si Coco dahil ayon sa post ng kanyang manager na si Biboy Arboleda earlier that night, pinipilit daw humabol ng aktor sa ball at kasalukuyang nasa flight ito pabalik ng Manila from Da­vao kung saan ay naimbitahan daw ito sa 25th anniversary ng RDL. Pero mukhang hindi na talaga nakahabol ang King of Primetime Drama.

Anyway, habang nagaganap ang Star Magic Ball ay napuno ang Instagram account namin ng mga larawan ng artistang dumalo at naaliw kami talaga sa comments ng netizens sa mga suot ng celebrities.

Bukod kay Julia, stand-out din para sa netizens si Kim Chiu on her embellished gown with thousands of tiny crystals na likha ni Pepsi Herrera. Sa ilang taon na ng young actress sa pag-attend ng Star Magic Ball, tuwina’y napupuri ang kanyang ayos at suot and the way she carries herself.

Kim of course, came with her date, ang rumored boyfriend and ka-loveteam na si Xian Lim na ang guwapo rin naman sa kanyang Francis Libiran suit.

Ang isa pang nakakuha ng approval ng netizens ay ang gown ni Kathryn Bernardo na gawa naman ni Michael Cinco. Pareho silang all-white ng kanyang ka-loveteam and rumored boyfriend na si Daniel Padilla kaya sa unang tingin ay para silang ikakasal.

Ang isa sa pinakaabangang pair that night ay ang LizQuen na sina Liza Soberano and Enrique Gil na siyempre ay magkasamang duma­ting. Parang prinsesa ang young actress sa kanyang ala-Cinderella Michael Cinco gown habang ang prinsipe naman niya ay super-gwapo rin sa kanyang white and black Pepsi Herrera suit.

Another much-awaited pair ay sina John Lloyd Cruz and Angelica Panga­niban. Pero may mga hindi magagandang komento ang netizens sa weight ng aktres.

Say ng isa, parang bagong panganak daw si Angelica. Komento naman ng isa, diet-diet din daw ‘pag may time.

Siyempre, dumating din sina Zanjoe Marudo and Bea Alonzo in their 6th Star Magic Ball as a couple. As always, isa sa nag-stand-out din ang beauty ng aktres pero may mga komento lang na hindi raw bagay ang black ribbon na nakalagay sa parteng neckline ng gown.

Tanong ng isang netizen sa gown ni Bea, “ano ang ipinaglalaban ng black ribbon na ‘yan?”

Another pair that night ay sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa kanilang first Star Magic Ball as a couple. Med­yo hindi rin nagustuhan ng iba ang gown ng young actress na likha ni Francis Libiran.

May mga nang-bash na­man sa gown ni Alex Gon­zaga na combination ng pantsuit at gown. Marami ang nagkomento na hindi raw nila maintindihan ang suot ng young actress at very confusing daw. Some netizens branded her as one of the worst-dressed stars sa nasabing event.

First time naman ni Pokwang na dumalo ng may date sa Star Magic Ball. Kasama niya ang boyfriend na si Lee O’ Brien.

Ang ilan mga dateless ng gabing iyon ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Paulo Avelino, Sam Milby, Shaina Magdayao, Vina Morales among others.

Si Gerald Anderson naman ay dumating na kasama ang kanyang batang pamangkin at si Jodi Santamaria, ang kanyang anak na si Thirdy.

May mga nagtatanong kung bakit wala ang bida sa On the Wings of Love, ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Ang nakikita lang naming kasagutan ay hindi Star Magic ta­lents ang dalawa kundi Viva Artists Agency talents sila.

Wala rin sina Jessy Mendiola and JM de Guzman na inaabangan pa naman ng mga tsismosa’t intrigera dahil nga sa kontrobersyang nangyari sa eroplano involving the young actress and Enrique.

Hindi rin namin nakita sa mga pictures sa Instagram na na-post ang Ningning actress na si Beauty Gonzalez na nababalitang buntis ngayon.

Samantala, sina Daniel and Kathryn ang pinarangalang Best Dressed Couple of the Night habang sina Kim and Xian naman ang Couple of the Night. Si Sam Milby naman ang Male Star of the Night.

Wagi rin ang mag-asawang Jericho Rosales and Kim Jones bilang Most Chandon Fabulous Pair of the Night habang si Denise Laurel naman ang hinirang na Burt Bees Charmer of the Night

vuukle comment

ACIRC

ANG

FRANCIS LIBIRAN

GOWN

KANYANG

MGA

NAMAN

NIGHT

SINA

STAR

STAR MAGIC BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with