Ejay pikon sa pagnanasa ni Ellen kay James!

Crush pala ni Ellen Adarna si James Reid at si Ejay Falcon pa ang nagbuking nito sa entertainment press sa presscon ng book 2 ng Pasion de Amor.

Kwento ni Ejay, inaasar daw nga siya parati ni Ellen sa kagwapuhan ni James pero hindi naman daw siya napipikon o nagseselos sa bida ng On the Wings of Love.

Nang sabihin ‘yun ni Ejay, bulalas ni Ellen, “aminin!”

Kinontra naman agad ito ni Ejay.

“Dati po talaga, seloso akong tao, aaminin ko, sensitive akong tao, seloso pero kakasama ko kay Ellen, parang napag-aralan ko na ‘yung sarili ko para mawala ‘yung selos, ‘yung pagiging sensitive.

“Kasi, wala eh, kailangan mong matuto, kailangan mong mag-adjust sa tao, and feeling ko talaga, nawawala na ‘yun,” pahayag ng bida ng Pasion de Amor at Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid.

At kung ganyan naman daw kaganda tulad ni Ellen ang pipikon sa kanya, paano naman daw siya mapipikon.

“Nakaka-proud na pinipikon ka ng ganito kagandang babae. Pag pinipikon niya ako, “wow, napansin niya ako”. Kaya pag two weeks na niya akong ‘di pinipikon, nami-miss ko ‘yun. Nami-miss ko na pikunin niya ako,” pahayag pa ng aktor.

When asked kung ano sa tingin niya ang lamang niya kay James, sabi ni Ejay, “mas nagta-Tagalog ako kay James, mas mataba ako kay James, mas matangkad ako. Magkaibang-magkaiba talaga. Inglisero siya, Tagalog na Tagalog ako.”

Samantala, speaking of I Heart Kuryente Kid, ngayong Sunday, September 9, sasabak naman sa panibagong misyon ang mga karakter nina Ejay at Alex Gonzaga.

Paulo casual na lang ang relasyon kay KC

Matipid pa rin ang sagot ni Paulo Avelino nang mapag-usapan ang ex-girlfriend na si KC Concepcion. Natanong kasi ang aktor tungkol sa naging bonding nila sa London since nakunan sila na magkatabi sa bus.

“There’s nothing more than that, you know. Nagkita lang kami, nagkausap, that’s it,” say niya nang makausap ng entertainment press sa presscon ng Resureksyon.

Talaga raw namang speaking terms sila at nagkausap nga ulit sila sa London.

“Nagbabatian kami, nagkukuwentuhan pero casual lang ‘yon, like what any other friends would do,” he said.

Mga pasabog ng On the Wings of Love, dapat abangan!

Sobrang kinilig ang mga manonood sa episode last Sept. 9 (Wednesday) kung saan ay nakamit ng serye ang national TV rating na 22.9%.

Not only that dahil nakakuha ng mahigit 1.7 milyong mentions ang hashtag na #OTWOLMostKiligNight sa Twitter, dahilan para maging bahagi ito ng worldwide at nationwide trending topics ng microblogging site.

Show comments