MANILA, Philippines – Hindi napigilan ni Jessica Soho na mapaiyak habang ini-interview niya si April Boy Regino.
Hindi sukat akalain ng pamosong singer na lahat ng masayang karanasan niya noong araw ay darating sa puntong mawawala pala lahat kasabay ng pagkalabo ng kanyang paningin. Mabuti nalang mayroong siyang mga kaibigan tulad ni Willie Revillame at World Boxing Champion Manny Pacquiao na bukas ang palad sa pagtulong sa kanyang pagpapagamot.
Malaking pasasalamat din ni April Boy ang pagkakataong makabalik ulit siya sa showbiz at pagkanta sa tulong ng GMA-7.
Sa mga mabibigat na problema, natutunan niyang magbasa ng Bibliya at malaking tulong ang naibigay nu’n sa kanya.
Naranasan niya noon ang lahat ng swerte sa buhay dahil sa kasikatan ngunit hindi niya inakala na sa isang pitik lang ay maglalaho na ‘yun na parang bula. Na-realize rin niya na hindi pala pwedeng dalhin sa langit mga naipundar niyang gamit.
Magsilbing moral lesson sana sa mga sikat na artista ngayon ang pinagdaanan ni April Boy.
Megan ‘di kayang pantayan ang pagiging maasikaso ni Carla
May mga komentong hindi kayang talbugan ni Miss World Megan Young ang kasalukuyang girlfriend ni Tom Rodriguez na si Carla Avellana. Masarap daw magluto at mag-asikaso sa bahay si Carla kung kaya’t nagustuhan daw siya ni Tom.
At remember, Cum Laude si Carla sa pinagtapusang paaralan na alam naman natin na ‘di basta basta. Hindi nagseselos si Carla dahil alam niya sa teleserye lang sweet na sweet sina Tom at Megan.
At sana, tama ang hinala ni Carla Abellana.
Sef korni at nagmukang totoy sa bagong palabas
Magaling na artista at magpatawa si Sef Cadayona, pero hindi niya ito ipinakita sa Juan Tamad na ipinalabas kamakailan. Hindi kasi nakakatawa yung mga pag-arte niya doon at halatang pinipilit ang mga joke. Masyado rin siyang bagets sa naturang palabas.
Derrick nganga pa rin
Dapat mabigyan ng pansin ang Kapuso actor na si Derick Monesterio. Magaling na artista at bata pa si Derrick na siguradong malayo ang mararating. Baka naman sa kakulangan ng atensyon kay Derick eh maunahan na kayo ng mga ibang network na nag-aabang na maglipat-bahay ang aktor. Sayang naman!
Anak ni Joko, dinapuan ng kabaklaan!
May bagong teleserye ang magaling na Child Actor na si Miggs Cuaderno. Sa Destiny Rose ay bida si Ken Chan at first time naman na gaganap na beki si Miggs kaya`t medyo nahihirapan ang bata.
Magaling sa drama si Miggs at magpatawa pero sa pagganap na beki ay wala pang pruweba. Ang tatay niya sa teleserye ay si Joko Diaz na tutol na tutol maging bading ang nag-iisang anak. Mabuti naman muling napapanood si Joko Diaz na isang magaling na aktor at katambal pa niya si Manilyn Reynes sa naturang serye.