^

Pang Movies

Ate Vi ayaw nang marinig ang mga offer sa 2016

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nakakita lang kay Governor Vilma Santos na kasama si Cong. Lennie Robredo at Sec. Mar Roxas sa isang gathering ng kanilang political party, mabilis na namang umugong ang mga ispekulasyon na “done deal” na raw at payag na si Ate Vi na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Ewan ba kung bakit nila kinukulit si Ate Vi at ilang taon na rin naman iyang kulitang iyan. Mga dalawang taon na nga yata naming nariri­nig iyang may nag-aalok kay Ate Vi na tumakbong vice president at kahit naman noon pa sinabi na niyang hindi siya interesado. Dahil nakita na naman nga nila si Ate Vi, iyon na naman ang tinanong sa kanya pero mabilis siyang sumagot na “wala sa plano ko iyan. Wala namang formal offer na dumadating at kung kino-consider nila ako, I say thank you”.

Nasabi sa amin minsan ni Ate Vi na kung may offer man, hanggang maaari ay ayaw na niyang marinig, at nagpapasalamat daw siya na wala namang pormal na lumalapit dahil wala na siyang plano talaga na palawigin pa ang kanyang political career. Nakapaglingkod na siya ng labing walong taon, at nagawa naman niya nang mahusay iyon, ayaw na niyang palawigin pa iyon at baka hindi pa maganda ang maging resulta.

“Hindi naman teleserye iyan na hanggang gusto ng tao pahahabain mo. Para sa akin tama na iyong napatunayan ko na kaya ko namang mag­lingkod nang tapat, at nagawa ko ang mga naipangako ko. Happy naman ang mga kababayan ko, tama na muna iyon. Hindi ko sinasabing iyan na ang katapusan ng lahat, kahit kailan naman hindi ako nagsasalita ng patapos, pero sa ngayon sinasabi ko nang wala akong plano sa kahit na anong mas mataas na posisyon,” sabi ni Ate Vi.

Siguro ganoon sila dahil lahat ay nagsasabing napakaganda ng kanyang record bilang mayor at bilang gobernador. Walang anumang masamang masasabi sa kanyang serbisyo kaya kinukumbinsi siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, at dahil naniniwala nga sila na ang kanyang popularidad bilang isang aktres at isang matuwid na public servant ay makakatulong sa kanyang ka-tandem, sinasabi niyang wala siyang interest diyan sa ngayon.

Naku lagot... Cherie Gil hindi pa rin kilala ng mga katrabaho

Natawa na naman kami sa nakita naming isang post sa social media. Hindi namin alam kung pinagtawanan lang o nainis din ang aktres na si Cherie Gil nang padalhan siya ng script na ang nakasulat na pangalan ay “Ms. Cherry Gil”.

Sa itinagal-tagal ba naman ni Cherie sa showbusiness may nagkakamali pa nang ganyan sa kanyang pangalan, at kung iisipin mo na kopya iyon ng isang script sa telebisyon, ibig sabihin nagmula iyan kung hindi man sa writers mismo ay sa production o creative team ng network.

Hindi ba sila aware sa pangalan ng kanilang mga artista? Kung iisipin mo respeto na lang sana iyon. Hindi dapat pinababayaang gawin iyan ng mga taong hindi marunong sa ganyang mga bagay. Para talaga kasing nakaka-insulto sa isang tao iyong ni hindi pala alam ng mga makakatrabaho niya ang kanyang pangalan.

Palagay namin dapat maging maingat naman ang mga nagpapadala ng scripts sa mga artista. Pero palagay namin, hindi lang ngayon nangyari iyan. Nangyari na siguro iyan pero hindi na lang pinapansin ng iba.

ACIRC

ANG

ATE VI

CHERIE GIL

GOVERNOR VILMA SANTOS

HINDI

IYAN

KANYANG

KUNG

MGA

NAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with