Karylle at Yael, pupunta ng France para tumakbo

MANILA, Philippines - Kahit may daily show na It’s Showtime, gagawa at gagawa ng paraan si Karylle Yuzon para makapag-travel sila sa abroad ng kanyang mister na si Yael Yuzon na bukod sa mi­yembro ng bandang Sponge Cola ay nahihilig ngayon sa pagma-marathon.

Sa September nga ay pupunta sila sa France para sa isang marathon doon.

Ayon kay Karylle, regalo raw ng isa sa principal sponsors ng kanilang kasal ang pagpunta nila sa France.

Makakasama nila roon si Kuya Kim Atienza na sasali rin sa nasabing marathon.

 “Because of my daily show, kailangang pla­nuhin talagang mabuti in advance ‘yung pagta-travel namin abroad. As much as possible, ang advice sa amin, mag-abroad together para mas makapag-bonding.

 “’Yung trip namin sa France, regalo. Then sa December uli, magbabakas­yon kami, beach naman,” sabi ni Karylle na hindi tinukoy ang panga­lawang lugar na pupuntahan nila, pero usually, kapag December ay sa Australia nagpupunta para mag-beach dahil summer sa bansang ‘yon sa ganoong panahon.

Very supportive ang mag-asawa sa career ng bawat isa at basta available rin lang, nagpupunta si Karylle sa mga gig ng banda ni Yael.

Si Yael naman, nagpupunta rin sa mga show ni Karylle katulad noong Next Attraction sa Music Museum.

Sa repeat ng Next Attraction on August 14 & 15, aasahang nakasuporta uli si Yael kay Karylle.

Anak ng dating actor na si Miguel Rodriguez maayos nang mag-host

Kahit late ng three hours ang pagsisimula ng Bench Fix Styling Tools dahil sa pagkaka-late ng image mo­del nilang si Daniel Padilla na idina­hilan ang matinding traffic na bunga naman ng matinding pag-ulan noong Saturday afternoon, hindi naman nainip ang mga taong nagpunta sa Trinoma activity center dahil in fairness, magaling si Sam Rodriguez na host sa event na ‘yon.

The who si Sam?

Anak siya ng yumaong aktor na si Miguel Rod­riguez (SLN).

Noong nagsisimula pa lang sa fashion/showbiz world si Sam, medyo shy pa siya, pero sa nasabing Bench event, marami ang nagsabing ang laki na ng improvement niya. Ang galing-galing din niyang mag-host.

Nagawa niyang i-stretch ang “imprunto” game segments sa nabanggit na Bench event na hindi nahalata ng fans.

Masaya at puno ng energy ang hosting style ng anak ni Miguel.

Show comments