^

Pang Movies

Camille at VJ hindi atat magpakasal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nagmamadaling magpakasal agad ang newly-engaged couple na sina Camille Prats at VJ Yambao. Sa taong 2017 pa magaganap ang wedding nila, pero unti-unti na nilang inaasikaso ito.

Ito ang magiging ikalawang pagpapakasal ni Camille pagkatapos niyang mabiyuda sa una nitong mister na si Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay noong 2011 dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.

Sinorpresa nga si Camille ng kanyang boyfriend na si VJ sa pamamagitan ng isang wedding proposal noong nakaraang July 18 sa farm resort ng Prats Family sa Balete, Batangas.

Ayon pa sa host ng MARS, ang alam niya ay isang family gathering lang ang pupuntahan niya sa kanilang farm sa Batangas na inaasikaso ng kanyang kuya na si John Prats at ng misis nitong si Isabel Oli.

Hindi alam ni Camille na kasabwat sila ni VJ sa gagawin nitong sorpresa sa kanya kasama na ang ilang mga malalapit na kaibigan nito.

Bago nga raw gawin ito ni VJ ay hiningi raw muna nito ang blessing mula sa buong pamilya ni Camille, lalo raw sa daddy nito na si Mr. Daniel Prats.

Ang importante nga kay Camille ay approve si VJ sa kanyang anak na si Nathan. Naging close na nga raw si VJ sa anak ni Camille simula nang magkaroon sila ng relasyon noong 2013.

Hindi nga raw inaasahan ni Camille Prats na muli siyang mabibigyan ng pangalawang pagkakataon na umibig ulit. Pero dumating ito dahil pinagdasal nga niyang dumating ang tamang lalake na magmamahal sa kanya at sa kanyang anak.

 “I really had to make sure na sigurado na ako sa kanya,” ngiti pa ni Camille.

Magkaklase sa OB Montessori noong nasa elementary pa lang sila Camille at VJ.  Naka-base na sa U.S. si VJ nang muli silang nag-reconnect via Facebook.

Ina inuna ang pag-arte kesa pagsuporta sa anak?!

Balik GMA-7 nga ang tinaguriang Sabado Nights Girl noong ‘90s na si Ina Raymundo at kasama siya sa pagbabalik ng Mexican telenovela na Marimar.

Gagampanan nga ni Ina ang role na Brenda Aldama sa naturang teleserye.

Nang magbalik showbiz nga si Ina noong 2006 pagkatapos ng limang taong absence sa showbiz, una siyang umarte ulit sa teen drama ng GMA-7 na Love To Love: Young at Heart. Nasundan ito ng guest role sa teleserye na All About Eve in 2009.

Lumabas na si Ina sa mga shows ng GMA noong 2000 tulad ng sitcom na Kiss Muna.

Nakatakda sana siyang lumipad patungong China para suportahan ang kanyang anak sa laro nito sa baseball. Nakahanda na nga raw lahat maging ang kanyang ticket para sa nasabing trip, ngunit nang i-offer daw sa kanya ng Kapuso Network ang role, agad niyang tinanong ang kanyang asawa’t anak kung maaari niya bang tanggapin ang project.

Very supportive naman daw ang kanyang mister na si Brian Poturnak. Lima ang kanilang anak na sina Erika (13), Jacob (10), Mikaela (6), Anika (4) and Minka (2).

Matapos makaligtas sa pagpapakamatay Americal Idol winner na si Fantasia kinasal na uli!

Kinasal na nga ang American Idol Season 3 winner na si Fantasia Barrino sa kanyang fiancé na si Kendall Taylor. Na-engage ang dalawa noong November 2014.

May dalawang anak na si Fantasia. Isang teenage girl named Zion sa una niyang naging asawa at isang 3-year old son named Dallas sa huli niyang nakarelasyon.

Dumaan sa maraming pagsubok si Fantasia sa kanyang buhay pagkatapos niyang manalo sa American Idol noong 2004. Kabilang na rito ang maakusahan siyang isang homewrecker dahil nakipagrelasyon siya sa isang lalakeng may-asawa at ang ma-foreclose ang kanyang bahay sa North Carolina.

Muntik nang mag-commit ng suicide si Fantasia sa pamamagitan ng pag-overdose ng prescription drugs. Hindi siya natuluyan at naligtas siya.

Naganap ang wedding nila ni Kendall sa isang yacht at ang color motif ay black and red.

Heto ang naging caption niya sa wedding photo nila ng kanyang mister sa Instagram:

 “Those who really know me know that I LOVE Water.. Can you see it? How Happy I am.. This Man.. God made him just for Me and me Just For Him.. This Man.. Covers and prays for me and my children EVERY morning.. This Man.. Loves My Father in Heaven and his name is God.. This Man allows me to just be a woman.. No more Hurt because King Kendall will never let that happen.. I’m off to just kiss, Hug and play in some water with This Man.. Look at Him in the pic YEP!! HE COVERS ME.. Be Happy with me you guys cause I’ve been thru SOOOOO much. Some stuff was my wrong decisions but all I ever really wanted was this.. Real Love. This Man and this smile is real… Later you guys ???? bye bye for a while.. God did not forget about me….”

 

vuukle comment

ACIRC

ALL ABOUT EVE

ANAK

ANG

CAMILLE

CAMILLE PRATS

INA

KANYANG

NGA

NOONG

THIS MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with