Angel parang hindi nagtatrabaho sa Showtime

Aliw na aliw si Angel Locsin sa pagi­ging guest co-host ng It’s Showtime, lalo na nga kapag ini-interview niya ang young contestants sa portion na MiniMe dahil ini-impersonate nito ang mga celebrity performer.

Hindi lang bibo ang mga contestant, kung hindi mga talented din, dahil parang mga professional na rin sila sa panggagaya sa mga celebrity.

‘‘Kaya, nakakaaliw sila,’’ susog pa ni Angel.

Angel, as per the invitation of Showtime Business Unit head, Reily ‘‘Jun’’ Santiago, will be tempora­rily replacing It’s Showtime regular host Vice Ganda, habang nasa abroad ito for a series of concerts with Enchong Dee.

‘‘Ako naman, I always welcome the idea of joining Showtime maski on a temporary basis lang,’’ pag-amin ni Angel. ‘‘Bukod nga sa enjoy ako, friends ko rin sina Anne (Curtis), Karylle, at Vhong (Navarro).’’

Anne, Karylle, at Vhong are three of the other regular hosts of Showtime, maliban kay Vice.

Soon, however, even if Angel would again want to be in It’s Showtime, she may not be able to do so. Magiging busy na kasi siya, as she will start shooting for her first co-starrer with Batangas Governor Vilma Santos.

It is within the year, too, that shooting for Darna will start too.

While her co-starrer with Ate Vi will have Direk Joyce Bernal at the helm, Erik Matti will direct Darna.

Gwen ayaw na uling pumunta ng Tacloban

Should Gwen Zamora decides to no longer pay Tacloban City a visit, it’s understandable.  Hiwalay na sila ng boyfriend niyang anak ni Tacloban Ma­yor Alfred Romualdez na si Raymund.

Again, did we hear it right na the guy is currently singing beautiful music with Kapamilya talent Ellen Adarna?

In any case, peg daw ni Gwen na magkabasyon ngayong summer sa Maldives. Nabalitaan daw kasi niya na maganda ang beach shores doon.

Matatandaang doon nag-honeymoon sina Yeng Constantino and her husband, Pastor Victor ‘Yan’ Asuncion, na nagpakasal last February 14.

Ricky Reyes araw-araw may inaampon

Guess what currently is keeping beautician cum advocator Ricky Reyes busy these days?

Well, may itinatayo siyang orphanage in Marikina, he said. And so far, he has already several dozens ­orphans housed in a big house he is renting.

The Sys, yes, of the owners of the multi-million Sy empire, promised again to help him put up a building for the orphans. ‘‘Kasi, araw-araw halos may dumara­ting.

‘‘’Di ko naman kasi puwedeng tanggihan. Dahil karamihan mga babies, ang may dala-dala mismo ay mga nanay na one look at them, alam mo na kaagad na ‘di kakayaning bumuhay ng anak,’’ kuwento ni Ricky.

The Sys too, Ricky revealed, was the one who helped him put up the building na tirahan ngayon ng mga batang mahihirap na may sakit na cancer. They are usually taken cared of by their mom or a near relative.

No need therefore to explain, that aside from the sick child, Child Haus, (name of the institution), inaalagaan din doon ang mga kasama ng mga batang may sakit.

‘‘Laking pasasalamat ko na lang kay Lord Jesus na mara­ming tao, bukod sa mga Sys, na nagkukusang tumulong sa akin sa advocacy kong ito.

‘‘What I hope now, maganap din sana ito sa bagong advocacy ko. I mean, the orphanage. Na marami ring may mga ginintuang puso na tutulong sa pagpalaki ko sa mga orphans na ito,’’ pahayag ni Ricky.

Ricky, with some DSWD (Department of Social Welfare) offi­cers and members, is studying the possibility of having some of the orphans adopted.

‘‘Kasi, kung higit bang may magandang buhay na naghihintay sa bata kapag inampon siya, bakit hindi?’’ dugtong pa ni Ricky.

Pag-aari ni Ricky ang strings of Ricky Reyes Beauty Salons all over the country.

Show comments