Pati apo ibinuking na nakipag-live in sa BF kaya na-stress daw ang inang namatay, Amalia nag-alboroto, gustong bawiin ang pera na ibinigay kay Liezl
Sabi na nga ba eh. Iyong pag-comment pa ng anak ni Liezl Martinez na si Alyanna Martinez patungkol sa kanyang lola na aktres na si Amalia Fuentes ay lalo lang magpapalaki ng gulo na dapat sana ay pag-usapan na lang sa kanilang pamilya.
Sinasabi ngayon ni Amalia na isa si Alyanna sa may kagagawan ng pagpapawalang halaga sa kanila ni Romeo Vasquez sa cremation ng kanilang anak na si Liezl, na siyang pinagmulan ng pag-aalburoto ng aktres.
Sinasabi ngayon niyang ang pag-alis ni Alyanna sa kanilang tahanan para makipag-live in sa boyfriend noon ang isa sa mga dahilan kung bakit lalong na-stress si Liezl. Inakusahan din ng aktres ang kanyang apo ng kawalan ng utang na loob, dahil siguro hindi raw nito alam na siya (Amalia) ang gumastos ng apat na libong dolyar nang ipanganak iyon. Dahil din sa pangyayari, gustong bawiin ni Amalia ang ibinigay niyang dalawang milyong piso bago namatay si Liezl na sinasabi raw na hindi pa naman niya nagastos. Ang sinasabi ngayon ni Amalia, dahil winawalang halaga siya ng pamilya ng kanyang yumaong anak, at wala na ang kanyang tagapagmana, gusto niyang ibalik sa kanya ang kanyang pera.
Iyang mga bagay na iyan ay hindi na sana dapat na lumabas pa. Iyong minsang pagsasalita ni Amalia ay hindi na sana nadugtungan at naulit pa kung nanahimik na lang ang lahat ng kampo. After all, ano nga ba ang mapapala nila sa pakikipagsagutan pa? Hindi sa pakikialam, dahil iyan ay isang domestic problem kung tutuusin, at dapat nga ay nananatiling pribado kung hindi sila na rin ang naglalabas sa pamamagitan ng social media. Walang nananalo sa ganyang klase ng controversy. Sa kanilang pagpapalitan ng statements, pare-pareho lang silang masasaktan. Pare-pareho silang tatamaan.
Pero ngayon, lumalabas na nga ang ganyang mga issues. Bagama’t may karapatan din ang pamilya Martinez na sagutin ang mga akusasyong iyan ng aktres, palagay namin mas mabuti kung mananahimik na lang sila.
Singer ng Baleleng at Napakasakit Kuya Eddie, kailangan ng tulong, stage 4 ang cancer
Inilabas sa programa ni Jessica Soho ang kalagayan ng sikat na singer na si Roel Cortez. Siya ang kumanta noon ng Baleleng at nang sumikat na Napakasakit Kuya Eddie. Siya ay may stage four cancer of the colon. Bagsak na ang kanyang katawan at lumalaki na ang tiyan. Sinabi ng kanyang asawa na sinabi na rin ng doctor na mukhang wala nang magagawa. Ganoon pa man umaasa sila na madugtungan pa rin ang kanyang buhay. Hindi na siya nakakatayo mula sa pagkakahiga.
Ano nga ba ang magagawa sa mga artist na kagaya niya? Dito sa Pilipinas, walang nakaisip ng ‘artists welfare.’
Ang nakaisip lang ng ganyan ay si Kuya Germs noong presidente siya ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon). Kaya nga noon, kung anuman ang pondo ng KAPPT, ayaw niyang galawin iyon.
Personal niyang pera ang ginagamit niya sa mga gastusin ng samahan at pansuweldo sa mga tauhan nila. Gusto niyang makaipon ng pondo para sa artists na nasa ganyang kalagayan.
Ngayon, hindi na namin alam kung ano ang estado ng pondong naipon dati ni Kuya Germs.
Dito sa atin, wala rin namang artists’ welfare program ang OPM. Kung may ganyan at saka lang sila kumikilos, gumagawa sila ng shows para kumita ng pera para sa mga gusto nilang tulungan, pero hindi rin naman maliwanag kung magkano nga ba ang naibibigay nila sa mga beneficiaries, dahil may “honorarium” din sila para sa mga performer.
Kailan nga ba magkakaroon ng artists’ welfare sa Pilipinas?
- Latest