^

Pang Movies

Lumalaki ang circle of friends na celebrities Pacman sinuportahan din ni NFL quarterback Tim Tebow

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dumarami nga ang celebrity friends ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao na dumadalaw sa kanyang ensayo sa Wild Card Gym in Los Angeles, California.

Kabilang na sina Mark Wahlberg, Bob Dylan, Justin Timberlake, Mario Lopez, Jeremy Piven at Brad Pitt na dinalaw na si Pacman at nagparamdam ng suporta para sa kanya sa nalalapit niyang laban with Floyd Mayweather Jr. on May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Idagdag na sa listahan ng mga celebrity endorsers ni Pacman ang former NFL quarterback na si Tim Tebow.

Naging star quarterback si Tebow ng mga kilalang football teams sa NFL na Denver Broncos, New York Jets, at New England Patriots.

Recipient din si Tebow ng Heisman Memorial Trophy, isa sa pinaka-prestigious honor na naibibigay sa isang football player dahil sa outstanding performance nito sa kanyang paglalaro.

Nakilala rin si Tebow dahil sa kanyang pagiging religious at ilang kabataan na sa iba’t ibang states ang kanyang tinuturuan tungkol sa Christianity.

Nagtatag din siya ng sarili niyang foundation na parehong dinala niya rito sa Pilipinas: Tebow Foundation na nagtayo ng isang children’s hospital at nagpatayo rin siya ng The Tebow CURE Hospital in Davao City kung saan ang specialization nito ay orthopedic care.

Ipinanganak si Tebow dito sa Pilipinas noong 1987 noong magkaroon ng missionary trip ang kanyang mga magulang, kaya naman malapit sa kanya ang mga Pinoy kahit saan siya magpunta.

Kaya naman isa si Pacman sa nais niyang suportahan dahil nalaman niya ang pagiging aktibo nito sa simbahan at ang walang sawa nitong pagtulong sa maraming tao.

Pinost ni Tebow ang photo nila ni Pacman sa kanyang Instagram account with the caption:  “Awesome being with my Filipino and Christian brother.”        

Sa Instagram account ni Pacman, heto ang kanyang caption: “Good to be with my brother in Christ @TimTebow

Beauty ni Lindsay type ni Direk Maryo

Bini-build up ngayon ng GMA-7 ang dating child actress na si Lindt Johnston na Lindsay de Vera na ngayon.

Kasama siya sa cast ng hit faith-serye ng Kapuso network na Pari Koy.

Nagsimula si Lindsay at 8 years old sa pinagbidahan ni Jillian Ward noong 2008 na Jillian: Namamasko Po.

Lumabas na rin siya sa Jollitown, Cielo de Angelina, at Second Chances.

Bata pa lang si Lindsay ay nakagawa na ito ng maraming TV commercials.

Taga-Manaoag, Pangasinan pa itong si Lindsay at nakahanap na sila ng malilipatan sa Quezon City dahil nagkasunud-sunod na ang kanyang guestings sa TV.

Gustung-gusto ng director ng Pari Koy na si Maryo J. delos Reyes ang inosenteng beauty ni Lindsay. May naiisip na raw na pelikula si Direk Maryo na babagay dito.

“Nakakatuwa naman po kasi first time ko pong makatrabaho si Direk Maryo. Tapos magaganda po ang mga sinasabi niya sa akin.

“Basta po pumayag ang GMA-7 na gumawa na ako ng movie, siyempre po si Direk Maryo ang gusto kong unang magdirek sa akin,” sey pa ng 15-year-old Kapuso teen actress.

Sa Pari Koy ay gumaganap siya bilang si Ava na isang manang at masyadong protektado ng kanyang lola na ginagampanan ni Chanda Romero.

Ka-partner ni Lindsay sa naturang teleserye ay ang Protégé winner na si Jeric Gonzales.

 

BOB DYLAN

DIREK MARYO

KANYANG

LINDSAY

PACMAN

PARI KOY

TEBOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with