Pinakaunang hologram concert sa ‘Pinas, mapapanood sa SNBO

MANILA, Philippines - Ngayong Pebrero 15, matutunghayan na ng mga Kapuso viewers ang pinakaunang major solo concert ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa Sunday Night Box Office (SNBO).

Sa concert na pinamagatang Hologram, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Disyembre, ipapamalas ng multi-platinum recording artist na si Julie Anne ang kanyang galing sa pagsayaw, ma­ramdaming pag-awit, at sabay-sabay na pagtugtog sa iba’t ibang mga instrumento gamit ang hologram technology.

Ibinirit niya ang ilan sa mga paborito niyang foreign songs, maging ang mga pinasikat niyang kanta kasama ang ilan sa mga tinitingalang mang-aawit sa bansa na sina Christian Bautista, Abra, Sam Concepcion, Frencheska Farr at Jonalyn Viray.

Saksihan ang pinakaunang hologram concert sa Pilipinas ngayong Linggo sa SNBO, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Show comments