Isang malapit kay Sharon Cuneta ang nagbulong sa amin na kaunting bawas pa ng timbang ang kailangan ni Mega bago ito dapat maging visible lalo na sa showbiz.
Otherwise raw, in fairness, ang ginagawa niyang ‘pamamahinga’ is doing her a great favor. Gumanda siya at lalong naging happy ang disposition, ani pa ng aming kausap.
On report that Sharon might run for the position of Pasay City Mayor, our kausap would rather not comment. Although on our end, we heard that a group na sobrang influential sa Pasay City is, kumbaga, preparing na the red carpet for Sharon.
As for KC Concepcion, halatang ‘di siya gaanong solid sa ideya na pumasok sa pulitika ang ina.
Kuya Germs wala pang alam sa hiwalayan nina Jake at Bea
People close to German Moreno would rather not tell sa Master Showman na split na sina Jake Vargas at Bea Benene. Sobra kasi ang bilib ni Kuya Germs sa tandem ng dalawa.
Naniniwala si Kuya Germs na in time, posibleng maging successful ang dalawa as a love team, tulad ng Nora Aunor-Tirso Cruz III.
Ang kailangan lang daw ng dalawa, tukoy ni Kuya Germs, is a chance na maipamalas ang kanilang effectiveness as a team.
No wonder anang nakasaksi kung gaano natuwa si Kuya Germs, when APT Productions chose Jake and Bea to play the lead roles in Liwanag sa Dilim. Kulang na lang literally, ang tumalun-talon ito.
Kuya Germs would have felt prouder of Jake and Bea, kung napakinggan niya si Richard Somes, director ng Liwanag sa Dilim, commented during the presscon for the movie na feel niya, ripe na para ‘pitasin’ ang dalawa.
He cannot say enough daw, Direk Richard added, of how the two delivered in terms of performances.
Anak ni Cesar mas lumutang sa pagiging VJ
It looks like Cesar Montano’s son by Teresa Loyzaga, Diego Loyzaga, has found his true calling, kumbaga, not as an actor, like his dad, but as a TV VJ.
At least, Diego is now seen regularly on MYX, as a VJ (video jock). Magaling siyang tumirada sa English.
Saksi rin naman tayo kung ilang ulit siya binigyan ng pagkakataon sa ABS-CBN para magpakitang-gilas as an actor. Naging leading man siya sa Mara Clara, which starred then teenage actresses Julia Montes at Kathryn Bernardo.
Sinundan ito ng ilan pang palabas sa TV.
Kaya for a time, marami ang sumang-ayon kay Cesar na makakabuti sa anak kung magku-concentrate ito sa kanyang pag-aaral muna.
Balitang while working as a VJ on MYX, nag-aaral din si Diego.
Personal
Birthday today (Jan. 30) ng aming fellow entertainment columnist na si Len Llanes.
Many happy returns of the day, Len. (Maligayang kaarawan Tita Len. – SVA)