Maging si Angelica Panganiban pala ay nagulat nang i-offer sa kanya ang remake ng Pangako sa ‘Yo. Actually, ang una pa nga raw inalok sa kanya ay ang karakter ni Amor Powers na matatandaang orihinal na ginampanan ni Eula Valdez.
“Actually, nang in-offer siya sa akin, hindi ako makapaniwala na ino-offer siya sa akin. Na parang iniisip ko kung seryoso ba talaga si tita Malou (Santos, head ng Star TV Creatives na producer ng nasabing remake) na gawin akong nanay nun’g. . .kasi ang unang ibinibigay sa akin, ‘yung Amor, so, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na may anak na akong kasing-laki ni Kathryn (Bernardo),” kuwento ni Angelica.
Hindi nilinaw ng aktres kung tinanggihan niya ang role na Amor Powers but apparently, inalok siya ulit ng ibang role, bilang Claudia Buenavista naman at ito na ang tinanggap niya.
Si Jodi Sta. Maria naman ang final nang gaganap na Amor Powers.
Sa kuwento ng Pangako sa ‘Yo, si Claudia ang nanay ni Angelo (originally portrayed by Jericho Rosales habang si Yna (na una ring ginampanan ni Kristine Hermosa) naman ay anak ni Amor Powers.
Sa remake ngayon, si Angelica ang nanay ni Daniel habang si Jodi naman ay nanay ni Kathryn.
Ayon kay Angelica, nagtitiwala naman daw siya sa management kaya tinanggap na rin niya ang offer.
“Siyempre, ang una kong tinanong kung talaga bang nakikita nila na magwo-work, so kung nagtitiwala naman ‘yung management sa akin na kaya kong gawin ‘yung karakter ni Claudia, eh ‘di, kung baga, nag-take po ako ng malaking risk.
“Saka inisip ko rin kasi, kung gagawa ako ng mother role, gagawin ko na ‘yung role ng isang naging icon. Doon na rin naman ako papunta. I mean, siyempre, marami na akong roles na nagampanan, marami na akong kung baga in-enjoy na moments sa career ko, so gusto ko ring i-enjoy ‘yung bagong phase ng career ko,” sabi ni Angelica.
Dahil matagal-tagal na ring hindi sumasabak ang aktres sa heavy drama at lately kasi ay pakome-comedy lang siya, aminado si Angelica na kinakabahan din siya na gampanan ang papel na Claudia.
“Medyo nakakakaba siya talaga, ganito rin naman ‘yung naramdaman ko nung nagsisimula ako sa Apoy sa Dagat, parang hindi ko alam kung kaya ko pang magseryoso ulit or kung baga, namnamin ang mga drama sa buhay, lalo na kapag soap opera, so ‘yun, talagang kinakabahan po ako,” she said.
But knowing kung gaano rin kagaling na aktres si Angelica, nakasisiguro naman kaming kayang-kaya niya ang role na dating ginampanan ni Jean Garcia.
JC ayaw ilihim ang relasyon kay LJ
Inamin ni JC de Vera sa isang panayam recently na mayroon siyang idine-date. At mukhang si LJ Reyes ang girl na tinutukoy ng aktor dahil nasabi niya rin sa Aquino & Abunda Tonight na these past two months ay nai-involve siya sa aktres. Na-meet na pala niya ang anak nitong si Aki at pati pamilya ng aktres.
Masaya naman daw sila pero hindi pa raw sila dumarating sa medyo malalim na lebel dahil sa kani-kanilang busy schedules.
Mataandaang matagal nang nali-link sina JC at LJ at pareho na nila itong itinanggi noon. Ngayon lang nare-reveal na totoo naman pala ang tsismis noon pa.
Anyway, sa ngayon ay sa pelikula naman mapapanood si JC, ang Halik sa Hangin with Julia Montes and Gerald Anderson na showing na sa Jan. 28. Sa TV naman, he’s doing We’ll Never Say Goodbye with Richard Gomez and Dawn Zulueta for March airing.