May phobia sa eroplano o talagang tuso lang?! Performer sobrang managa ng TF, iniisip na agad na baka bumagsak ang sasakyang eroplano
MANILA, Philippines - Kakaiba rin ang rason ng isang performer kapag kinukuha siyang mag-perform sa probinsya kung saan eroplano ang sasakyan niya.
Ang gusto raw ng performer ay mas malaki ang ibayad sa kanya at hindi ‘yung konting dagdag lang sa nakalaan na bayad sa kanya. Futuristic agad ang dahilan ng performer sa gusto niyang malaking bayad, huh!
Paano kung mag-crash daw ang eroplanong sasakyan? Eh, di ‘yung bayad lang niya ang makukuha ng maiiwan niya, huh! Eh kapag malaki nga naman, malaki rin ang makukuha ng maiiwan niya!
Nabaliw tuloy ang middle man na kumukuha sa rason ng performer. Naghanap na lang siya ng ibang performer na papalit na hindi agad nega ang rason sa pagsakay ng eroplano!
TV networks pasiklaban sa pag-report sa Poong Nazareno kahapon
Patalbugan talaga ang Channels 2, 7 at 5 sa coverage ng Traslacion ng Poong Nazareno kahapon, huh!
Non-stop ang pagri-report ng mga assigned news reporters mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo church. Bukod pa ‘yun sa updates ng network sa social media, huh!
Wala nga lang matapang na reporter ang Dos na nangahas umakyat sa andas ng Poong Nazareno hindi kagaya ng GMA News TV reporter na sina Chino Gaston at Susan Enriquez. Pero hindi gaya ni Chino na nakipagbuno sa mga deboto upang maipunas ang panyo na ibibigay sa isang deboto na may sakit sa kidney, si Susan ay nakatuntong sa andas nu’ng hindi pa umuusad ang prusisyon.
Hindi nga lang nagustuhan ang get up ni Mark Salazar ng GMA habang nagri-report sa grandstand, huh!
Ginawa na rin naman ito noon ng news reporters ng ABS-CBN. Mukhang wala lang nangahas ngayong makipagsisikan sa mga deboto, huh!
Hindi ko naabutan nang ilipat ko sa 5 kung meron silang reporter na umakyat sa andas.
Next week, sa pagdating ni Santo Papa Francisco, asahan ang mas matinding labanan ng networks sa coverage nito lalo na sa gagawing misa sa Quirino Grandstand sa January 18.
Produ ng EOP, hindi na nakuha sina Derek at Jennylyn para sa follow up movie
Dalawang mainstream movie ang nakatakdang gawin ni Atty. Joji Alonso this year. Komo nga importante sa kanya ang story ng movie na gagawin, ‘yon ang mas pinag-aaksayahan niya ng oras bago magsimula ng shooting.
Matapos pumatok at pag-usapan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang English Only, Please, mukhang hindi muna mapapasakanya ang follow-up movie ng bida niyang sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, huh!
Ang balita nga, ang isang team up na hindi nagklik noon sa TV ang magbibida sa next project ni Atty. Joji. Pero wala pang siniguradong cast ang lawyer-producer sa amin sa next project niya.
Ang maganda lang kay Atty. Joji, kahit naka-jackpot siya sa EOP, tuloy pa rin siya sa paggawa at pagtulong sa mga indie films at isa nga rito ang M (Mother’s Maiden Name) ni Zsa Zsa Padilla na winner ng best actress sa New Wave Feature ng nakaraang MMFF.
- Latest