Kailangan daw kasing magpakita ng laman! Ejay sinalo ang role na inayawan ni JC

MANILA, Philippines - Masaya ang mga kaanak ni Ejay Falcon, sa Pola, Oriental Mindoro. Big time na ang ninong (Ejay) nila, dahil marami itong projectsa ABS-CBN. Isa na rito ang Passion de Amor, kasama sina Jake Cuenca at Joseph Marco. Second choice man si Ejay, okay lang din ito sa kanya dahil kursunada niya ang role na gagampanan. Kailangan kasing mag-display ng katawan, kaya’t hindi ito tinanggap ni JC de Vera. Pero sa totoo lang, higit namang bagay kay Ejay ang role dahil maganda ang built ng katawan niya ngayon.

Hindi madadala sa langit ang kayamanan,

Amanda nag-share ng blessing

Sa Japan nag-Pasko si Amanda Amores kasama ang loving husband na si Sto. Domingo, Quezon City Chairman Richard Yu at mga anak nila. Bago umalis, naka-prepare lahat ang gifts para sa mga mamamasko sa kanila. Hindi nila ito ipinagdamot dahil katwiran ng mag-asawa, hindi naman madadala sa langit ang mga material na bagay. Sana marami ang tumulad sa kanilang paniniwala.                      

Show comments