Hindi nga maganda ang Pasko para sa Hong Kong superstar na si Jackie Chan dahil pormal nang kinasuhan ang kanyang anak na si Jaycee Chan ng drug offense kaya malaki ang posibilidad na makukulong ito.
The 32-year old actor and singer ay inaresto sa Beijing dahil sa pag-test positive nito for marijuana. Nakitaan pa siya ng 100 grams of marijuana sa kanyang bahay.
Magkakaroon nga ng legal proceedings para sa kaso niya na pangungunahan ng Supreme People’s Procuratorate.
Si Jackie Chan pa naman ang goodwill spokesman for the China National Anti-Drug Committee noong 2009 at nagpo-promote pa naman siya ng anti-drug education.
Nag-apologize si Jackie sa ginawa ng kanyang anak in public.
Laganap ang drug crimes sa China ngayon. Nagkalat doon ang mga illegal drugs tulad ng methamphetamine, ketamine, at ecstasy.
Eunice pagtuntong pa sa college balak magka-BF
Dalagang-dalaga na ang gumanap na Charming noon sa Bakekang na si Eunice Lagusad.
Sixteen years old na nga siya at very active pa rin sa paggawa ng mga teleserye. Heto at kasama nga siya sa Once Upon a Kiss kunsaan isa siya sa best friends ni Bianca Umali.
Kuwento nga ni Eunice na hanggang ngayon ay Charming pa rin daw ang tawag sa kanya ng marami kapag nakikita siya sa mall at maging sa school. Okey lang naman daw iyon kay Eunice dahil ibig sabihin ay kilala pa rin siya dahil sa character niyang iyon.
“Nagugulat nga sila na nakita nilang malaki na ako. Akala yata nila hindi na lumaki si Charming,” tawa pa niya.
“Natutuwa naman po ako kasi hanggang ngayon, yung role ko sa Bakekang ang naaalala nila sa akin.
“Gusto nga sana naming mag-reunion ng mga cast ng Bakekang. Nagkikita pa rin kami nila Tita Sheryl (Cruz) at Tita Sunshine (Dizon). Si Tita Lotlot (de Leon) kelan lang nakasama ko sa isang teleserye.
“Si Krystal (Reyes) naman po, may communication pa rin po kami. Ang alam ko po ay may bago siyang show sa GMA-7 next year.”
Wala pa nga raw ini-entertain na manliligaw si Eunice dahil bukod sa kanyang pagiging busy sa showbiz, busy rin siya sa school.
“Matagal pa po ako makatapos ng high school kasi inabutan po ako ng K-12. May two years pa akong bubunuin sa high school kaya kailangan po mag-aral ng mabuti kahit na nagtatrabaho po tayo.
“Yung mga ligaw-ligaw po, tsaka na lang po iyon kapag nasa college na ako. Siguro naman puwede na akong mag-boyfriend by that time!,” sabay tawa pa ni Eunice Lagusad.