^

Pang Movies

Jennylyn gustung-gusto ang ka-sweetan ni Derek

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mabilis na nagkagaanan ng loob sina De­rek Ramsay at Jennylyn Mercado sa unang araw ng shooting ng English Only, Please, ang official entry nila sa 2014 Me­tro Manila Film Festival (MMFF).

Nagtabi kaagad sa kama ang dalawa dahil iisang kuwarto ang kanilang standby area. Si Jennylyn ang nagyaya kay Derek na maki-share ito ng kama.

Bago kayo magmalisya, maraming tao sa shooting ng English Only, Please. Walang milagro na puwedeng mangyari dahil iginagalang nina Derek at Jennylyn ang isa’t isa.

Gustong-gusto ni Jennylyn ang sweetness at pagiging mabait ni Derek na ubod din ng gentleman. Madalas na nagdadala si Derek ng Dunkin Donuts sa set ng English Only, Please.

Si Dan Villegas ang direktor ng English Only, Please at unang project niya ang Mayohan, ang pelikula na nagbigay kay Lovi Poe ng best actress award.

Mahusay na direktor si Dan kaya ipinagkatiwala sa kanya ni Atty. Joji Alonso ang English Only, Please. Si Atty. Joji ang produ ng Jennylyn-Derek starrer na may feel good na trailer.

Excited na ang entertainment press na mapanood sa big screen ang English Only, Please mula nang mapanood nila ang full trailer ng  MMFF movie nina Derek at Jennylyn.

Nag-deny si Derek Ramsay na babalik siya sa ABS-CBN dahil sa March 2015 pa ang expiration ng kontrata niya sa TV5.

Nagkaroon ng tsismis tungkol sa “I shall return” ni Derek sa ABS-CBN dahil may movie offer sa kanya ang producer ng Skylight Films, ang sister company ng Star Cinema.

Actually, ngayon ang meeting ni Derek sa Skylight Films executives at natutuwa siya dahil sa project na iniaalok sa kanya.

Ang Star Cinema at ang Skylight Films ang mga movie outfit ng ABS-CBN kaya lumitaw ang mga haka-haka na magbabalik na si Derek sa kanyang former home studio.

Kapag natuloy ang project ni Derek sa Skylight Films, hoping ang fans niya na matatapos na ang pag-aalis sa kanyang mukha at pangalan sa mga poster, billboard at trailer ng mga pelikula na inire-release ng Star Cinema sa mga sinehan.

Ipagdasal nating lumihis ang bagyo sa ‘Pinas…

Nakakaloka ang balita na may malakas na bagyo na nagbabadya na pumasok sa Pilipinas.

Hagupit ang international code name ng bagyo at sa pangalan pa lang, confirmed na maghahasik ng bangis ang kalamidad.

Sama-sama nating ipagdasal na lumihis sa ating bansa si Hagupit dahil pagkatapos ng pananalanta ni Typhoon Yolanda noong nakaraang taon, hindi na natin kailangan ng isang super bagyo.

Ang akala ko pa naman, matatapos ang 2014 na walang malakas na bagyo na papasok sa Pilipinas pero biglang lumitaw at nagpaparamdam si Hagupit. Ipagdasal nating lahat na magbago ang ihip ng hangin para makaligtas ang Pilipinas mula sa bagong kalamidad at magkaroon tayo ng mapayapa na Pasko at Manigong Bagong Taon.

Sen. Bong hindi makakalaya sa pasko

Hindi pa kami nagkakausap ni Senator Bong Revilla, Jr. tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan na huwag i-grant ang bail petition na hinihiling niya.

Kahit hindi ko pa siya nakakausap, alam ko na nalungkot si Bong pero maaaring may dahilan ang nasa Itaas kaya ganoon ang nangyari sa hiling niya sa Sandiganbayan na payagan siya na magpiyansa para sa  pansamantalang kalayaan habang dinidinig ng korte ang plunder case na isinampa laban sa kanya.

Sure ako na nalungkot ang initial reaction ni Bong pero fighter siya kaya nakakasiguro ako na malalampasan niya ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaraanan.

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

HAGUPIT

JENNYLYN

PILIPINAS

SKYLIGHT FILMS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with