Malaking tulong sana sa tourism industry ng Pilipinas kung inilagay ng superstar tennis player na si Maria Sharapova sa Instagram account nito na beach resort sa Palawan ang pinuntahan niya para magbakasyon, three weeks ago.
Pero paying customer si Maria kaya hindi niya nilagyan ng caption ang kanyang breathtaking picture habang nakalublob sa crystal clear water ng beach sa Palawan.
Nalaman lang ng fans ni Maria ang pagbabakasyon nito sa Palawan dahil sa mga Pinoy na naka-sight sa kanyang picture at pamilyar sa beach resort na nirampahan niya.
Pero kahit sinabi ng mga Pinoy ang name ng lugar, dedma ang sikat na tennis player. Nakumpirma lang ang vacation trip niya sa Palawan sa interbyu sa kanya ni Dyan Castillejo.
Hindi man pinangalanan ni Maria ang beach resort, maraming fans niya na foreigner ang nagpahayag ng interes na mapuntahan ang mala-paraiso na lugar na makikita lamang sa ating bayan.
Mga kaibigan ni Paolo todo-effort para mai-guest siya sa Ellen DeGeneres
Birthday ni Paolo Ballesteros noong November 29 at 32 years-old na siya.
Hindi nagkaroon ng bonggang birthday party si Paolo. Pinili niya na maghanda sa kanyang bahay sa Pasig City at mag-celebrate sa piling ng close friends.
Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga kaibigan ni Paolo na magtatagumpay ang kanilang campaign na umapir siya sa show ni Ellen DeGeneres sa Amerika sa bisa ng husay niya sa makeup transformation.
Waiting pa rin ng tawag mula sa staff ni Ellen ang close friends ni Paolo na gumagawa ng paraan na matuloy ang kanilang dream na mag-guest siya sa sikat na show ng tomboyitang singer.
Chairman Tolentino may pasabog sa mga pelikulang kalahok sa MMFF
May big presscon si MMDA Chairman Francis Tolentino para sa mga pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Every year, nagpapatawag ng presscon si Papa Francis para sa success ng annual film festival na bahagi na ng kulturang Pilipino.
Hands on si Papa Francis sa MMFF dahil isa ito sa mga mahahalagang project ng MMDA at ng mga mayor ng Metro Manila.
Dadalo sa joint big presscon ng MMFF at MMDA ang lead stars ng mga pelikula na kasali.
Bagong biktima ng MMDA traffic enforcer na inirereklamo, lumutang!
Hindi nawawala sa news headline si Papa Francis. Kamakailan lang, laman siya ng mga balita dahil sa kanyang pagtatanggol sa MMDA traffic enforcer na inumbag ng driver ng isang luxury car.
Nagsalita si Papa Francis ng “We stand by our man” at sa suporta na ibibigay ng MMDA sa biktima.
Pero may twist ang insidente na pinag-uusapan dahil sa pagsasalita ng law student na diumano’y naging biktima ng harassment ng traffic enforcer.
Ikinuwento ng law student na kinunan siya ng video at dinuraan ng traffic enforcer at ganito rin ang kuwento ng driver ng luxury car.
Pinatotohanan din ng mga nakakakilala sa traffic enforcer ang rude behavior nito.
Nagbago ang ihip ng hangin dahil sa paglantad ng law student. Marami ang naniniwala na naumbag ang traffic enforcer dahil nagpakita ito ng kagaspangan ng ugali.
I’m sure, papatulan ng mga news program ang bagong development sa kaso ng pambubuntal sa traffic enforcer na biglang naging kontrabida sa paningin ng iba.
Beteranong singer-actor kinaaalibadbaran na sa suot na pambagets
Trying hard na maging bagets ang veteran singer-actor na pambata ang mga outfit na ginagamit.
May mga naiirita sa singer-actor dahil hindi siya nagbibihis at kumikilos ng naayon sa edad niya
Malayung-malayo sa singer-actor ang kanyang number one karibal na hindi trying hard ang pananamit at walang acting ang pagkanta.
Kung gusto ninyo na malaman ang identity ng singer-actor, watch n’yo lang ang kanyang weekly show dahil too much effort ang ibinibigay niya para magmukhang bagets.