^

Pang Movies

Star For All Seasons hindi pa alam ang gagawin sa 2016

- Vinia Vivar - Pang-masa

Magaling na si Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos mula sa kanyang pagkakasakit recently at katunayan, humarap na siya sa isang grand presscon kahapon para sa Ala Eh! Festival na taunang ipinagdiriwang ng Batangas.

For this year ay ang Taal, Batangas naman ang magho-host ng much-awaited event na ito and not only that, this time ay magsasanib-puwersa si Ate Vi at ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde kaya naman mas maningning at makulay daw ang festival ngayon.

Sa presscon na ginanap sa Valencia Homes ni Mother Lily, ang kalusugan ni Ate Vi ang unang itinanong sa kanya ng press at say niya ay okay na okay na raw siya ngayon.

Maayos na raw ang pakiramdam ni Ate Vi at na-drain lang daw talaga siguro siya sa pagod at stress. Pero sabi ni Ate Vi siguro raw talagang nag-trigger ng kanyang pagkakasakit ay ang pagkamatay ng kanyang most trusted secretary at kanang kamay for so many years na si Aida Fandalian.

Puwedeng-puwede na rin daw siyang mag-shooting ngayon ng movie nila ni Angel Locsin at ibinalita niyang baka by January ay mag-start na sila ng shooting dahil ang target playdate nito ay sa Mother’s Day next year.

Siyempe, hindi maiwasang maitanong din kung ano ba talaga ang political plans niya for 2016 elections since huling termino na nga niya ngayon bilang Gobernadora, pero say ni ate Vi ay wala pa talaga siyang plano although napakaraming humihikayat sa kanya na tumakbo sa mataas na posisyon.

Kinumpirma rin niya na talagang nililigawan siya ng mga taga-Lipa para tumakbo ulit sa nasabing bayan.

“Pinupuntahan po ako ng mga taga-Lipa, ng mga Kapitan, mga sektor, parang gusto nila na after my three terms sa pagiging Governor, sabi nila’y “balikan mo kami sa Lipa, Gov Vi, kailangan ka namin sa Lipa”, but siyempre, hindi ako puwedeng mag-commit.

“Kailangang pag-aralan ko uli yoon. Dahil lagi ko ngang sinasabi, hindi naman ganu’n kadali magsilbi talaga. If its meant, it will happen.

“So, wala pa. Pero hindi ko idene-deny. Maraming salamat po sa mga Lipeño sa tiwala. Pag-aralan po nating mabuti.”

Matatandaang bago naging Governor ng Batangas ay naging Mayor muna ng Lipa si Vi at natapos niya ang kanyang tatlong termino bago siya tumakbo naman bilang Governor.

Samantala, ang Ala Eh! Festival ay magsisimula sa Dec. 1 at magtatapos sa Dec. 8. Pinaka-highlight ng event ay ang pinaka-opening sa unang araw kung saan ay may fun run at misa.

“Pero ang isa pang pinaka-highlight ay ‘yung Mutya ng Batangas (on Dec. 5) kung saan makikita ang magagandang dalaga ng Batangas at kung sino ang nanalo doon, ‘yun ang sinasali namin sa national,” say ni Ate Vi.

Bukod dito, isa pang pinakaaabangan ay ang Grand Finals ng Voices, Songs, and Rhythms singing contest na gaganapin naman sa Dec. 7.

AIDA FANDALIAN

ALA EH

ALL SEASONS VILMA SANTOS

ANGEL LOCSIN

ATE VI

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR AND STAR

GOV VI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with