Bahay ni Butch Francisco hahalughugin ng Basta Happy...

MANILA, Philippines – Ngayong Huwebes (Nobyembre 13) sa Basta Everyday Happy, ang penthouse condo naman ng Startalk host na si Butch Francisco ang susugurin ng Happy Tandem nina Chef Boy Logro and Alex de Rossi. Mamangha sa fantastic view and fantastic na mga showbiz kwento sa likod na mga Filipiniana memorabilia na laman ng bahay ni Butch. Isang fun quiz din ang magaganap upang malaman kung gaano nga ba kataas ang showbiz IQ ni Butch Francisco.

At siyempre ipagluluto na naman tayo ni Chef Boy ng isang special treat - Ihaw-Ihaw by the pool side style na Pork Chop with Apple Sauce.

Sa Biyernes (Nobyembre 14) naman, lalabas muli ng studio ang Basta Everyday Happy family at dadayo ang grupo sa Bambang, Manila para tulungan ang namumrublemang tapsilugan ni Tita Matty.

Bilang executive chef ay maraming malalaking hotels at restaurants ang nagpapa-consult kay Chef Boy kung papaano mapapasarap ang mga pagkain nila. Pero rito sa Basta Every Everyday Happy gagawin yan ni Chef Boy ng libre. Dadayo siya sa mga na­ngangailangang misis - sa karinderya man o sa bahay, upang tulungan silang mapasarap ang kanilang lutuin.

Sa pagpunta nila sa karinderyang Lola Ely’s ay nakilala nina Chef Boy, Donita, Alex, at Gladys ang magnanay na sina Tita Matty at Nanay Lucy na magkatulong sa pagpapatakbo ng karinderyang pinangalan nila sa kanilang Lola Ely.

Tinulungan ni Chef Boy si Matty na gumawa ng bagong recipe na maihahanda niya para sa pagbubukas ng kanyang bagong pwesto. Ito ang Chicken Sate - specially grilled chicken with peanut sauce.

Mapapanood ang Basta Everyday Happy Lunes hanggang Biyernes ng umaga bago mag-Don’t Lose the Money sa GMA.

Show comments