Mayaman ang pag-iisip nang gumawa ng press release na napili si Marian Rivera over Anne Curtis, Maja Salvador, and Angel Locsin para gumawa ng isang Koreanovela na isu-shoot sa Tagaytay, Boracay at iba pang parts ng Pilipinas at siyempre, sa South Korea. Ang makakatambal daw ni Marian ay si Hyu Bin na unang napanood ng mga Filipino fans sa My Name Is Kim Sam Soon at Secret Garden. Na sa January, 2015 ay pupunta na ng Korea si Marian para mag-aral ng Korean language at three months na magti-taping ng serye na may 21 episodes. Hindi kami naniwala, kaya hindi na namin tinanong si Rams David, ang manager ni Marian for Triple A Entertainment, dahil nang lumabas ito, kasalukuyang busy silang nasa disyerto ng Dubai at nagsu-shoot ng pre-nuptial video nina Marian at Dingdong Dantes. Tumawag lamang kami sa office nila, kung may ganoong offer sa Primetime Queen at wala raw naman silang natatanggap.
Nag-google kami sa name ni Korean actor Hyun Bin (na ang wife ay si Ha Ji Won, ang gumaganap na si Empress Ki sa epic novel na napapanood ngayon sa GMA 7) at mayroon nga siyang gagawing bagong drama series, Dr. Jekyll and Mr. Hyde na gaganap ng two characters si Bin at mai-in love sa dalawang leading ladies niya na hinahanap pa kung sino ang gaganap. Iyon siguro ang naisip ng gumawa ng press release. Of course, isang malaking karangalan iyon kay Marian kung totoo, pero sa ngayon, mukhang hindi ipagpapalit ni Marian ang trabahong iyon na matatapat pa sa honeymoon nila ni Dingdong sa January, 2015.
Andrea ipinikit ang mga mata sa lampungan nila ni Mikael
Pangatlong drama series na nina Andrea Torres at Mikael Daez ang Ang Lihim ni Annasandra (ALNA), pero ngayon lamang sila nagkailangan sa passionate love scene nila sa telefantasiya na napapanood sa afternoon prime ng GMA 7 after ng Yagit. First time raw nila kasing nagkaroon ng ganoong eksena at hindi alam ni Andrea kung paano ito gagawin. Nag-usap sila ni Mikael at nagkasundo silang ipipikit na lamang ni Andrea ang mga mata niya at si Mikael na ang magga-guide sa kanya. Pero bago sila nag-take, ten minutes pa rin silang nag-internalize sa gagawin nila, at nagpasalamat si Andrea kay Mikael at kay Direk Albert Languitan at hindi naman pala ganoong kahirap gawin.
Hindi raw siya nag-worry na baka may magselos, nag-worry siya kung magagawa ba niya nang tama ang gusto ng kanilang director at kung papasa rin ito sa classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Masayang ibinalita nina Andrea at Mikael na inaayos ang schedule nila para maka-attend sila to promote their first drama series na ginawa, ang Sana Ay Ikaw Na Nga na ipalalabas sa Cambodia, Brunei, at Malaysia. Bukod kasi sa ALNA, regular din silang napapanood sa Bubble Gang, si Andrea sa Sunday All Stars at si Mikael, sa Ismol Family at Midnight Express ng Saksi.