Tiyak na magugulat at matutuwa ang award-winning actress na si Cherie Gil kapag nalaman niyang dalawang taon nang nakasabit sa isang restaurant sa bansang The Netherlands ang isang portrait niya.
Ito ang ikinagulat ng isang Pinay na nagngangalang Noemi Katuin nang mag-dinner ito sa isang Greek restaurant called Platia sa Druten, The Netherlands.
Isang malaking portrait nga ng aktres na si Cherie Gil ang nakita niyang nakasabit sa pader ng naturang resto. Tila isang centerpiece ng buong resto ang naturang etched portrait ng aktres at dalawang taon na raw iyon nakasabit doon.
Heto ang sinulat ni Katuin sa kanyang Facebook page noong November 8:
“Having dinner at this classy Greek resto in Druten, I was so happy to see an etched portrait of Cherie Gil.
“Me: Why do u have a photo of Cherie Gil in here? She's a Filipina actress.
“Waiter: No, that is Maria Callas, the famous opera singer.
“I then showed him the exact photo of Cherie from the Internet. They were so stupefied to learn they commissioned for the wrong portrait and it's been hanging here for 2 years! Now they want their money back from the artist who did it! Hahaha!”
Pinost ni Katuin sa kanyang Facebook page ang kanyang selfie with the portrait of Cherie Gil as Maria Callas.
Kinomisyon daw ng may-ari ng restaurant ang isang artist para gawin ang portrait ng American-born Greek soprano na si Maria Callas para i-celebrate ang Greek heritage nito.
Ang nagamit pala ng artist bilang reference sa kanyang gagawing portrait ay ang publicity photo ni Cherie Gil noong gumanap ito bilang si Maria Callas sa stage play na Master Class ni Terrence McNally in 2010.
Ang kuwento ng Master Class ay tungkol sa master classes na pinamunuan ni Callas sa Juilliard School of Music in New York noong 1971 to 1972.
Ipinanganak sa New York City on December 2, 1923 si Maria Callas. Isa siya sa most influential opera singers of the 20th Century.
Dahil sa kanyang wide-range talent kaya siya tinawag na La Divina. Sa Greece nakuha ni Callas ang kanyang musical education at na-established ang kanyang career bilang opera singer sa bansang Italy.
Dumaan sa maraming pagsubok ang career ni Callas. Kabilang na ang ma-inflict ang kanyang eyesight with myopia na nagpahirap sa kanya na makakita sa entablado. Unti-unti rin nawala ang kanyang magandang boses dahil na rin sa biglaang pagpayat ng kanyang katawan.
Dermatomyositis ang naging sakit ni Callas noong 1975, isang disease na nakaapekto sa kanyang mga muscles and tissues, kabilang na ang kanyang larynx kaya unti-unting nag-deteriorate ang kanyang magandang boses.
Namatay si Callas on September 16, 1977 dahil sa heart failure dala na rin ng kanyang mga naging sakit.
Naging inspirasyon ni Cherie Gil si Maria Callas para sa kanyang role sa pelikulang Sonata noong 2013 na idinirek ni Peque Gallaga at Lore Reyes.
Gumanap si Cherie bilang si Regina Cadena, isang opera diva na nawalan ng boses kaya nagtago ito sa kanyang ancestral home sa Bacolod.
Mga teleserye subject na sa isang sosyal na unibersidad
Kabahagi na nga ng pop culture ang mga teleserye kaya sa Ateneo de Manila University ay may klase na kung tawagin ay The Philippine Teleserye.
Ino-offer daw ang class na ito ng English department sa naturang university.
Marami tuloy na mga students na hindi nanonood ng mga Pinoy teleserye ang mapipilitan na manood dahil dini-discuss ang ilang mga sikat na teleserye ng mga TV network.
Ang nakakagulat daw ay napuno kaagad ang class na ito noong nakaraang enrollment.
Magaganap raw sa class ang pagpapalabas ng videos ng mga teleserye in the past 30 years, mula sa post-EDSA Revolution hanggang sa pagdating sa bansa ng mga Koreanovela.
Kabilang sa mga idi-discuss na mga teleserye ay ang Mara Clara, Be Careful With My Heart, Villa Quintana, Marimar, Pangako Sa ‘Yo, My Husband’s Lover, at Meteor Garden.