MANILA, Philippines – Ngayong Linggo, ang mga pinakamalalaki at pinakaimportanteng pangalan sa Philippine Cinema ay maglalahad ng kanilang mga mahahalagang saloobin tungkol sa industriya ng pelikula sa isang documentary, Sine, Laging Kasama. Itutuon ang atensiyon sa simula ng pelikulang Pilipino, paano ito lumago sa mga nakaraang taon at tatalakayin kung paano nito nahubog ang industriya sa ngayon.
Panoorin ang mga panayam sa ilang mahahalagang tao sa sining ng pelikula na nagbahagi ng kanilang mga personal na karanasan at tagumpay sa mayamang sining tulad nina ABS-CBN President Charo Santos-Concio, channel head ng Cinema One Ronald Arguelles, mga direktor tulad nina Wenn Deramas, Chris Martinez, Erik Matti, at marami pang iba. Huwag palampasin sa Sunday’s Best sa ABS-CBN.