Mother Ricky inakalang painting ang regalo ni Mr. Sy

Nagkaroon ng misa at kasayahan nang idaos ang 11th anniversary ng Child Haus na pinamamahalaan ni Ricky Reyes. Narun ang guest na si Hans Sy na nag-donate ng permanenting tahanan ng Child Haus na nag-aaruga, nagpapagamot, at kumakalinga sa mga batang may kanser na nanggagaling pa sa iba’t ibang probinsiya.

Ang mga batang may sakit na kanser ay dumarating mula sa iba’t ibang lalawigan kung saan ibinabatay ang pagpili sa referral forms na galing sa Social Welfare Administration.

Ang kabuuang bilang ng mga residente ng Child Haus ay 293 at ang iba’y gumaling na at mga 58 na patients ay completely healed na.

Bago magwakas ang pagtitipon ay may inabot na regalo si Hans kay Mother Ricky na akala niya ay isang painting pero hindi pala kundi plano ng itatayong building sa tapat ng Philippine General Hospital na ikalawang Child Haus. Isang   building para sa mga batang may kanser, kaya napaluha si Mother at ‘di matapus-tapos ang pasasalamat kay Hans at pamilya sa nito.

Mala-teleseryeng problema tampok sa Love Hotline

Matapos mabuntis ng una niyang boyfriend na si Somer Sulit ay hindi niya pinanindigan ito kaya itinakwil si Dianne Aguilar ng pamilya. Pero kinupkop ito ng gay friend niyang si Rodel Alberto.

Pagkalipas ng dalawang taon ay magbabalik sa buhay ni Dianne si Somer para mabuo ang kanyang pamilya.

Paano kaya ipaliliwanag ni Dianne kay Rodel na nag-aaruga sa kanya at naging ama ng kanyang anak na gusto niyang magkaayos sila ni Somer?

Bibigyan payo ni Jean Garcia ang problema kasama si Mendelson Quiba sa paglutas ng problema sa Love Hotline ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA 7.

Show comments