^

Pang Movies

Ate Guy nakipagdramahan kay Ryzza Mae

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Personal na inasikaso ni Direk Perci Intalan ang guesting ni Nora Aunor para sa The Ryzza Mae Show. Nag-taping si Ate Guy para sa show ng Aling Maliit last Tuesday matapos ang presscon ng Dementia sa Imperial Hotel.

Sa hotel na ni Mother Lily nag-ayos ang superstar.  Sinamahan naman siya ni Direk Perci hanggang sa matapos ang taping at naka-plug na ang guesting niya sa TRMS para sa Lunes.

Ramdam na ang kaba mula ulo hanggang paa kay Direk Perci dahil ilalabas na ang movie sa September 24. Eh, may premiere night ang movie bago ang playdate kaya lalong nakadagdag ng malakas na tibok ng puso ang bagong director lalo na nga’t Graded A ang ibinigay na rating ng Cinema Evaluation Board (CEB), huh!

Anyway, kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte nina Nora at Ryzza na award winning child star na rin, huh!

Parada ng mga bukol sinabayan ng matinding baha

Taranta ang ilang kakilala naming beki kahapon habang bumubuhos ang malakas na ulan na dala ng bagyong Mario sa Kamaynilaan.  Mas concerned sila kung matutuloy ang Parada ng mga Tambok at Bukol sa gabi at hindi ‘yung magkakasakit sila ‘pag lumusong sila sa baha, huh!

Siyempre nga naman, todo ang paghahanda sa rampahang ito na tampok ang ilang known stars at unknown models, huh! Eh, pakialam ba nila kung unknown ang mga lalaking rarampa. Basta may bukol ang mga ito solved na sila! Ha! Ha! Ha!

Marketing tool ng isang clothing brand ang event.  Gumastos mula sa go-see hanggang sa staging ng event. Pero ang bottomline pa rin ay ang pecuniary interest ng kumpanya – ang kumita dahil sa benta ng produkto nila.

‘Yun nga lang, as of this writing, malakas pa rin ang ulan. Super baha pa rin lalo na sa papunta sa venue ng parada.

Natataranta na ang ilang government officials sa pagtulong sa ating kababayan na biktima ng bagyong Mario.

Purely coincidental lang ba ang pagdating ng bagyo sa araw ng event at senyales na tigilan na ‘yang ganyang klase ng promotional activities just because of financial gain?

May paparating pang similar event next month. Just hoping na hindi mataon ‘yon araw na binabagyo rin ang Metro Manila, huh!

Paolo nakalabas na ng hospital matapos ang mild stroke

Sinasagasa talaga ng Eat Bulaga Dabarkads ang bagyong Mario kahapon, huh! Live at present ang karamihan ng hosts led by Senator Tito Sotto at Joey de Leon. Biro nga ni Allan K, hanggang ilong daw ang baha na sinuong niya papunta sa Broadway Centrum, huh!

Kumpleto ang segments gaya ng Pinoy Henyo at FHHM  contest. Kanselado nga lang ang Juan for All! All for Juan! Bayanihan of the Pipol.  Sa studio na lang nagpakuwela sina Jose at Wally.

Absent pa si Paolo Ballesteros na kalalabas lang sa ospital dahil sa mild stroke. Sa nangyari sa aktor, behave na siya ngayon or else, mahirap nang ma-take two ng stroke, huh!

ALING MALIIT

ALLAN K

ATE GUY

BAYANIHAN OF THE PIPOL

BROADWAY CENTRUM

DIREK PERCI

HUH

MARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with