Dennis naiinggit kay Dingdong, gusto ring gumawa ng movie sa labas ng GMA
MANILA, Philippines - Nakaramdam ng awkwardness si Dennis Trillo nang bansagan siyang Drama King sa press launch ng bago niyang series sa GMA na Hiram Na Alaala.
“Hindi ako ready sa ganoong title eh dahil hindi naman talaga ako after diyan sa mga title-title na ‘yan mula noon pa.
“Pero gusto ng network eh. Kaya ‘yun na lang. Okey lang.
“Medyo na-ano ako. ‘Pag sinasabi, medyo nakaka-awkward nang konti. Hindi naman ako…Hindi ako talaga naghahangad ng ganoon title talaga,” katwiran ni Dennis nang makausap ng press.
Tutok kasi si Dennis ngayon sa kanyang career dahil ayaw niyang mapabayaan ito. Kaya naman kahit tigang siya sa girlfriend eh hindi niya hinahanap ‘yon komo nga ayaw niyang madiskaril ang takbo nito.
Maging ang pagbabati nila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, hindi niya pinapasok sa utak na muli silang magkakabalikan. Ayon sa kanya, busy sila kapwa ni Jen kaya wala pang oras upang magkaroon sila ng date.
Bukod sa nabigyan siya ng mapaghamon na role sa HNA, ilalabas na rin ang Cinemalaya entry niyang The Janitor at ire-release ng Star Cinema.
“Magpapalaam kami kasi kailangang mag-promote doon. Siguro naman papayagan kami dahil movie naman ‘yon at wala akong pelikula sa GMA Films. Hindi naman siguro problema ‘yon at walang kalaban,” sagot niya.
So ngayon lang siya babalik sa ABS-CBN na dati niyang network?
“’Pag nagkataon, ganoon na nga. Na okey din naman. Kasi kailangan din kasi. Dapat tigilan na ‘yang network-network war na ‘yan. Kasi, alam mo ‘yon. Isang industriya lang tayo. Mas maganda…Mas maganda nakakatrabaho ka sa ibang artista sa ibang network eh dahil nakakasawa naman. Sila-sila lang lagi. Maganda ‘yung may katrabaho kang ibang tao.
“Para kang nasa bahay mo. Nasa bahay ka lang. Hindi ka lumabas. ‘Pag lumabas ka, marami kang nakikilala,” dahilan pa niya.
So gusto rin niyang gumawa ng movie sa Star Cinema gaya nang ginawa ni Dingdong Dantes?
“Gusto ko! Gusto kong mangyari ‘yon. Gusto kong makatrabaho ang ibang artista sa ABS, ibang director din siyempre para rin sa sarili ko ‘yon. Para ma-improve kung anuman ang kailangang i-improve at ‘yung kailangang experience pa para makatulong sa career ko,” lahad pa ni Dennis.
Sa September 22 ang airing ng HNA at kapareha ni Dennis sina Kris Bernal at Lauren Young.
Toni aminadong may sumpong
Kalahati ng buhay ni Toni Gonzaga ay naigugol na niya sa film and TV industry. Thirty years old na siya at sa edad na ‘yon, 15 years ay bahagi na ng industriya.
Na-realize niya sa loob ng mga taong ‘yon na hindi niya hawak at kontrolado ang lahat ng nangyayari sa kanya.
“Kasi parang hindi ko puwedeng ipagmalaki kung ano ang mga nangyari. Kasi hindi naman ako ‘yung sunud-sunod na hits ang movie. Alam mo ‘yung nararamdaman mo na hindi araw-araw Pasko.
“Staying on this business for fifteen years really humbles you. It makes you realize na ano..Parang…Everything is just fleeting. Hindi permanente lahat ang nangyari.
“So whatever opportunity na ibigay sa ‘yo, just make the most out of it. Just consider na parang baka ito na ang last na show, baka ito na ang last concert, baka ito na ang last project. You might as well give it your all.
“Lalo na ‘yung attention span ng tao ngayon? Ang bilis ng transition. Laging may bagong artista, bagong reality show, may bagong talents na dumarating. You just keep on reinventing yourself. Pati ‘yung attitude mo para mag-stay sa industriya,” pahayag ni Toni sa presscon ng major concert niyang Celestine sa SM MOA Arena sa October 3.
May katarayan din ba siya?
“Hindi naman mataray! May moods din tayo siyempre. May mga…Lalo na ako, babae ako. Oo, babae ako! Ha! Ha! Ha! Ngayon mo lang nalaman, Kuya Jun? After all those years.
“Ang mga babae, may bisita ‘yan every month. May PMS ang babae. Hindi mataray. Mukha lang suplada kasi magpi-PMS!” paliwanag ng Multi-Media Star.
- Latest