^

Pang Movies

Mga produkto ng PBB, aariba sa mga bagong show ng Kapamilya!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Talbog ang Brapanese na winner ng Pinoy Big Bro­ther (PBB) All In na si Daniel Matsunaga ng mahigpit niyang kalaban sa trono na si Jane Oineza na magbibida na sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, huh! Naunahan pa kasi nito ang winner na magkaroon ng serye, though bali-balitang magkakaroon na rin si Da­niel. Makakasama ni Jane ang katrayanggulo niya sa PBB alum­ni sina Joshua Garcia at Loisa Andalio, huh!

Puwede nang magtarayan at magsamapalan sa series sina Jane at Loisa na hindi nila nagawa sa PBB House dahil kay Joshua! I-exploit na ang love triangle na ‘yan, nang sa gayun, mapag-usapan ang series! Ha! Ha! Ha!

Maging ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan ay hindi nganga after PBB dahil kasama sila sa series na Nathaniel. Bibida rito ang The Voice Kids winner na si Lyca Gairanod pero mas bibida sa kanya ang bagong child actor na lalabas bilang Nathaniel, huh!

Bukod sa dalawang teleseryes, isinantabi muna ng Kapamilya ang love team nina Julia Barretto at Enrique Gil na hindi yata masyadong kinagat ng tao sa Mirabella. Kasi naman, mas nauna pang binigyan ng follow up show si Enrique sa gagawin niyang Forevermore kasama ang bagong talent na si Liza Soberano, huh!

Magkakaroon din ng season 2 ang The Voice Kids at inaayos pa kung puwedeng mag-judge uli si Apl.de.Ap na wala nu’ng unang season.

GMA tambak din ang bagong shows

Hindi siyempre padadaig ang GMA Network sa paglulunsad ng mga bago ring shows sa apat na buwan na natitira ng taon.

Sa mga series na ipalalabas, pasok na ang talen­to ng guwapong si Dennis Trillo after almost a year na hindi napanood sa primetime after My Husband’s Lover. Merong series na Sa Puso ni Doc ang aktor pero sa GMA News TV ipinalalabas ‘yon although ang plugs ay napapa­nood din sa Channel 7, huh! Ang Hiram na Alaala ang project ni Dennis kasama sina Kris Bernal at Lauren Young.

Isasabak din muli ang Jabea love team nina Jake Vargas at Bea Binene. Ipapareha naman si Kim Rodriguez kay Kiko Estrada na sumulpot na naman sa Kapuso network, huh!

Ipalalabas na rin ang Ang Lihim ni Annasandra na pagbibidahan ni Andrea Torres na pagsasaluhan nina Mikael Daez at Pancho Magno sa panghapon na programa.

Isang series din ang gagawin ng reel and real lovers na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

Sasabak naman sa hosting ang guwapitong si Tom Rodriguez sa game show na Don’t Lose The Money na this quarter din mapapanood. Ang talent show na Bet ng Bayan nina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards ay sasambulat na rin sa susunod na mga buwan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALL IN

ANDREA TORRES

ANG HIRAM

ANG LIHIM

BEA BINENE

DANIEL MATSUNAGA

DENNIS TRILLO

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with