^

Pang Movies

Saksakan ng yabang nabuko namang nakikipagtawaran sa tiangge young actress daig pa ang bagyo sa sobrang lakas magpahangin!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bilib na nga raw ang cast and crew ng isang drama series sa kayabangan ng young actress na ito. Bawat lumabas daw na salita sa bibig nito ay puro pagyayabang sa sarili. Kaya nga wala raw gustong kumausap dito dahil feeling nila ay nagugulo ang buhok nila kapag nagsimula na itong magyabang.

“Sana nga kung ang pagiging mayabang niya ay may pruweba. Kaso wala naman. Puro salita at hangin lang siya pero wala namang ebidensya ang pinagyayabang niya,” sey ng isang production staff tungkol sa mayabang na young actress.

Pinagyabang nito na nag-shopping daw sila ng family niya sa mga mamahaling boutiques. Kaya bago raw ang mga signature bags at shoes niya.

Hindi alam ng mayabang na young actress na nakasabay nila sa pamimili ang tiyahin ng isang kasama niyang young actress sa show. Noong malaman niya na pinagyayabang ang mga pinamiling mamahaling gamit, natawa lang daw ito at sinabing nakasabay niyang namili ang pamilya nito sa isang flea market.

 “Nakipagtawaran pa nga raw sa mga binibili nila,” kuwento ng production staff na nakakuwentuhan ang tiyahin ng isang young actress.

 “Hindi nga nagpakilala ang tiyahin ni young actress sa mayabang na young actress kasi alam niyang suplada ito. Halos buong maghapon nga niyang nakasabay na namimili sa flea market ang pamilya nito. Tinatawaran ang puwedeng matawaran.

 “Kaya echosera siyang namili sila sa mga mamahaling boutiques. Wala nga akong makitang bagong bag at sapatos niya. Kung ano ang mga gamit niya noon, ‘yun pa rin ang mga nakikita kong gamit niya ngayon. Grabe ang kayabangan niya. Talo pa niya ang bagyo sa sobrang lakas na magpahangin!”

Michelle mas gusto pa rin ang ‘Monay’ kaya hiniwalayan si Zac Efron

Mabilis ngang natapos ang romansa nila Zac Efron at Michelle Rod­riguez.

Pagkatapos ng kanilang whirlwind romance sa Ibiza, Spain, nabalitang naghiwalay na silang dalawa.

Ayon sa report, masyado raw serious ang 26-year old actor kay Michelle. Pero ayon sa 36-year actress, hindi serious relationship ang hanap niya kay Zac.

 “Zac has an addicting personality, which rolls over to his women. He invests into something and falls hard — fast. He really fell hard for Michelle, and she wanted to just have fun and not have a super serious relationship,” ayon pa sa Hollywood Life.

Isa ring nakikitang problema ay ang pagkakaroon ng ibang karelasyon ni Michelle. Public knowledge nga na isang bisexual ang aktres.

 “Michelle is interested more in women than men — so that was an issue as well. As great as it would sound to most guys, Zac didn’t want to share her with anyone, especially other women.”

Una ngang nagkakilala sila Zac and Michelle noong sabay silang pumasok sa isang rehab facility dahil sa naging problema nila with drugs and alcohol.

 “They’ve bonded over the problems they’ve had in the past and were there for each other when they had break-ups.

 “Michelle gets what Zac’s still going through and doesn’t judge him. They also both love motorcycles, hanging out and being sporty - it just works.”

vuukle comment

ACTRESS

HOLLYWOOD LIFE

ISANG

KAYA

MICHELLE

NIYA

ZAC EFRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with