Actress tinatanggihan ang ibang trabaho, ang paboritong leading man lang ang gustong makapareha

Tinanggihan pala ng isang mahusay na actress ang offer ng isang movie company na gumawa siya sa kanila ng isang pelikula.  Pagtatambalan sana nila ito ng isang mahusay na actor, pero nanindigan ang actress na nakapanga­ko na siya sa isang movie production na sa kani­la lamang siya ga­ga­wa ng pelikula na ang ma­­kakatambal niya ay ang paborito niyang lea­ding man.  May naka­handa na raw project sa kanila, pero mukhang matataga­lan bago matupad ang gusto ng actress dahil hindi pa puwedeng gumawa ng movie ang paborito niyang leading man.

Maraming artista nakiki-ride sa ALS

Hinahamon nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera sina Senator Bam Aquino, Rodjun Cruz, Ana Feleo, Roxanne Barcelo, at Vic Sotto sa ice bucket challenge matapos nilang tanggapin ang hamon ni Kapuso Pop Star Julie Ann San Jose.  Pero wagas ang pagbubuhos ng water with ice sa magsing-irog, dahil hindi timba kundi isang malaking cooler na puno ng tubig at tipak-tipak na yelo ang ibinuhos sa kanila. Halata lamang iniwasan nilang ibuhos ang marami kay Marian na kitang-kita sa video na napatili sa ginaw.  Si Rodjun ay sinagot agad ang hamon ng DongYan last Sunday, kasabay namang tinanggap ni Kris Aquino sa The Buzz, on air ang pagbubuhos sa kanya ng two ice buckets nina Toni Gonzaga at anak niyang si Bimby.  Lahat ng tatanggap sa hamon ay dapat ipakita ang video nang gawin sa kanya ang ice bucket challenge.

Ayon kay Kris, sa KrisTV niya kahapon, nakalikom na ng mahigit na 70 million dollars ang nagpasimuno ng video sa awareness ng ALS (amyotophic lateral sclerosis) na gagamitin sa pag-aaral sa sakit na ito kung saan apektado ang muscles ng isang tao na nagdudulot ng pagkaparalisa ng buong katawan hanggang sa ikamatay ng biktima.  Pinakama­tagal daw na pwedeng mabuhay ang nagkakaroon ng sakit na ito ay five years lamang. 

Marian at Dingdong nasa music video ng Rivermaya

Tuloy naman sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal sa December 30 sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Last Sunday, after nilang nag-attend ng Holy Mass sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, over dinner, nakipag-usap na sila kay Fr. Aris Sison, Rector ng Cathedral, na tumutulong at nagga-guide sa kanila para sa iba pa nilang pangangailangan kaugnay ng kanilang wedding day.  Ayon pa kay Dingdong nasa final list na rin sila ni Marian ng kanilang mga sponsors and entourage lists.

Last Sunday din, gumawa naman ng music video ang mag-sweetheart para sa isang song ng Rivermaya, ang Tayo Lamang Dalawa.  Tinanggap agad nila ang offer ni Mark Escueta (Jolina Magdangal’s husband) ng Rivermaya to shoot for the music video, na nai-post ni Dingdong sa kanyang Instagram account. At  iyon na raw ang sagot sa long overdue reunion nila ni Marian on screen.  Last pang nagtambal ang dalawa sa drama series nilang My Beloved two years ago.

 

Show comments