MANILA, Philippines - Umuugong ang tsismis na kakalas na sa dating discoverer/manager ang isang guwapo at mestisong artista. Feeling daw kasi ng actor, hindi ang manager ang siyang sumugal sa kanya upang magkaroon ng break at ng magandang projects sa network na kinabibilangan.
Siyempre, nakaramdam ng importansiya ang actor nang bigyan siya ng acting breaks ng network. Pero that time, co-manager ang network ng manager niya.
Eh this time, desidido na raw ang actor na kumalas sa manager. Kahit na nga kamag-anak niya ang nagrekomenda sa kanya na kunin ang on going manager.
Hindi na naman bago ang ganitong pangyayari sa showbiz. Once nakatikim ng kasikatan, nakakalimutan na ang mga taong pinagsimulan niya, huh!
Pasalamat ang actor dahil ang manager niya, walang masyadong malapit na press upang ipagtanggol ang huli, huh!
Mayor Herbert marunong makaalala
Lubus-lubos ang kaligayahan ng entertainment press na binigyan ng blow-out ni Mayor Herbert Bautista sa Vera Perez Gardens. Kitang-kita sa kanilang social media account ang pictures ng sama-sama at binigyang-halaga ng QC Mayor.
Masarap lang kasi ang feeling ng isang entertainment press na hindi pa rin nakakalimutan ng isang artista na natulungan niya mula nang nagsisimula pa lang siya. Eh, alam naman ng lahat ang pinagsimulan ni Mayor Bistek sa showbiz hanggang sa pumalaot na siya sa gitna ng pelikula.
Yet, kahit mayor ng malaking syudad, naglaan pa rin siya ng oras upang mabigyan ng salu-salo ang may mga kaarawan nitong taon mula Enero hanggang Setyembre. Nasimulan na niya ang ganitong pagbibigay importansiya last year at kaniyang ipinagpatuloy ngayong taong ito.
Huwag mag-aalala ‘yung may kaarawan ng Oktubre hanggang Disyembre dahil pinapaayos na niya sa amin ito na gawin next month.